^

PSN Showbiz

Heart hindi na ikinagulat ang kapilyuhan ni Dennis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Early bird ako sa presscon ng Juan Happy Love Story noong Lunes dahil nauna pa ang pagdating ko kesa kina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Extra challenge sa akin ang pag-akyat sa venue ng Juan Happy Love Story dahil sa mataas na hagdan na tiniyaga ko na akyatin.

Sa totoo lang, hindi senior citizen friendly ang venue dahil hiningal ako sa pag-akyat. What more si Mama Gloria Romero na kasali sa cast at napilitan din na umakyat ng hagdan?

Sexy at for adults only ang mga eksena ng Juan Happy Love Story kaya nag-warning si Mama Glo na hindi puwedeng mapanood ng mga ba­gets ang sexy teleserye nina Dennis at Heart.

Agree si Heart sa sinabi ni Mama Glo dahil may mga suggestive sexy scene siya. Hindi makapaniwala si Heart na magagawa niya ang mga naughty scene dahil conservative pa rin ang asawa ni Senator Chiz Escudero.

Pumayag si Heart na magkaroon ng kissing scene kay Dennis Trillo dahil kailangan sa kuwento pero may permiso ‘yon ni Papa Chiz.

Naughty ang karakter ni Dennis sa Juan Happy Love Story pero hindi na-shock si Heart dahil naughty in real life at palabiro ang asawa niya.

At dahil sa halos araw-araw na panga­ngampanya, inuubo na si Heart at naging tan na ang kulay niya na bumagay sa kanya.

Nang kumandidato na bise-presidente ng bansa ang asawa niya, hindi na nawalan ng ginagawa si Heart na looking forward sa last day ng campaign para makapagpahinga sila ni Papa Chiz.

May phobia pala si Heart sa pagsakay sa eroplano pero nasanay na siya dahil sa mga biyahe niya sa malalayong lugar para ikampanya ang kandidatura ng love of her life.

Social media nagiging pugad ng mga paninira sa eleksiyon 

Sa May 16 pa ang pilot telecast ng Juan Happy Love Story pero nagpatawag ng early presscon ang GMA 7 dahil magiging busy na ang lahat sa eleksyon sa susunod na linggo.

Ang live coverage ng eleksyon sa May 9 ang priority ng Kapuso Network kaya nakahanda ang lahat ng mga empleyado na maghahatid sa atin ng mga kaganapan sa darating na Lunes.

Ipagdasal natin na maging mapayapa ang halalan dahil hindi pa man eleksyon, grabe na ang pag-aaway ng mga kandidato na sinasawsawan ng kanilang mga supporter.

Nagpapatindi sa kaguluhan at siraan ang social media dahil lahat na lang, may kanya-kanyang katwiran at opinyon, tuwid man o baluktot.

Nagpipista ang mga mapaggawa ng kuwento dahil nagagamit nila ang social media para mailabas ang kanilang mga kalokohan. Makikita sa mga social media post ng mga tao ang kanilang tunay na karakter at kakitiran ng pag-iisip kaya hindi sila dapat sineseryoso.

Pelikula nina James at Nadine puwede sa lahat

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng This Time, ang romantic drama movie ng Viva Films na pinagbibidahan ng real-life loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.

Kung hindi maaaring panoorin ng mga bata ang Juan Happy Love Story, puwedeng-puwede sa mga bagets ang This Time dahil Rated G ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Proud na proud ang Viva Films dahil napakaganda ng finished product ng This Time at hindi ito nakakahiya na irekomenda sa manonood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with