^

PSN Showbiz

CelebriTV papalitan ng comedy show

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE: Karapatan ni Melai Cantiveros na ireklamo at idemanda ang netizen na nagbitaw ng masakit na salita laban sa anak nila ni Jason Francisco pero kailangang mapatunayan muna niya na hindi fake account ang ginamit ng basher na nagsabing ma-rape sana ang anak niyang bata.

SEEN: Isang comedy program ang ipapalit ng GMA 7 sa timeslot ng CelebriTV na mapapanood na lang hanggang sa May 21.

SCENE: Nagparetoke ng ilong sa Belo Medical Clinic si Bryanboy, ang Filipino fashion blogger na may intriguing past at naging hurado sa Cycle 19 ng America’s Next Top Model ni Tyra Banks.

SEEN: Nakaw-eksena si Marc Pingris sa faceoff kahapon nina Senator Antonio Trillanes IV at Atty. Salvador Panelo, ang legal counsel ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Nang dumaan ang kotse niya sa harap ng BPI sa Doña Julia Vargas St., bumaba si Marc mula sa sasakyan at nagtaas ng kamao bilang suporta kay Duterte.

SCENE: Alas-onse ng umaga ang oras ng paghaharap kahapon nina Trillanes at Panelo sa BPI pero 6 a.m. pa lang, nagpunta na si Robin Padilla sa Ortigas Center, Pasig City.

SEEN: Matalo man si Senator Antonio Trillanes IV sa vice presidential race sa May 9,  panalo naman siya sa paramihan ng libreng publicity.

SCENE: Ang simultaneous premiere ngayong gabi ng This Time ng Viva Films sa Manila, Cebu, at Davao. Ang This Time ang summer movie nina James Reid at Nadine Lustre.

SEEN: Ang unofficial graduation picture ni Julie Anne San Jose na magtatapos ngayong buwan ng Mass Communication course sa Angelicum College, Quezon City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with