^

PSN Showbiz

Balik ang korona sa Cebu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakamit ng Sinulog Festival Queen na si Cynthia Thomalla ang ikapitong panalo ng Cebu sa pagiging Reyna ng Aliwan Fiesta.

Pumangalawa si Andrea Fe Gomez ng Baguio, na siyang kinatawan ng Panagbenga, habang kapwa second-runner up sina Airish Yamamoto (Anilag festival ng Laguna), Darlene Joy Tabuga (Pintados de Passi festival ng Iloilo), at Lou Dominique Piczon (Manaragat festival ng Catbalogan).

Iniuwi rin ng mestisang Aleman na si Thomalla ang mga parangal sa Best in Festival Costume, Best in Evening Gown, Best in Swimsuit, at Most Photogenic. Noong parade, lulan siya ng IPI-Sinulog float, na nanalo naman ng grand prize sa Float Design Competition.

Kasalukuyang nag-aaral sa St. Louis University, nakamit din ni Gomez ang parangal bilang Miss Unique Smile, na bigay ng ACS.

Si Tabuga, na malaki ang hawig kina Ruffa Mae Quinto at Katrina Halili, ay pinarangalan bilang Miss Friendship, at binigyan ng premyo ng general manager ng Hotel Jen na si Edward Kollmer.

Ang 2016 Aliwan Fiesta ay handog ng Manila Broadcasting Company, Star City, at ng Cultural Center of the Philippines, sa pakikipagtulungan sa mga Lungsod ng Maynila at Pasay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with