^

PSN Showbiz

Marian ayaw munang ilantad si Baby Z sa morning show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi mai-commit ni Marian Rivera si Baby Zia kung ipakikita niya ito sa morning show niyang Yan Ang Morning! na magpa-pilot today, 10:45 a.m. sa GMA 7. Ang sabi ni Marian, tama lang na sa picture muna makita ang baby nila ni Dingdong Dantes.

Nakita na ng mga kasama ni Marian sa Yan Ang Morning! si Baby Zia dahil dinadala niya ito sa taping. Kuwento ni direk Louie Ignacio, kahit nagme-make-up si Marian, katabi nito ang anak na tahimik lang.

Maraming segment ang Yan Ang Mor­ning at isa sa dapat abangan ay ang DIY o Do-It-Yan kung saan magbibigay siya ng tips kung paano aalagaan ang mga anak habang nagtatrabaho.

Anyway, dahil hindi nakapunta ang ama ni Marian nang manganak at pabinyagan nila si Baby Zia, sila na lang nina Dingdong at Baby Zia ang pupunta sa Spain. Baka sa Christmas nila dalawin ang ama.

Samantala, ang cute sigurong makita sina Marian at Baby Zia na pareho ng OOTD. May gumagawa kasi ng baby dresses for Baby Zia na may brooches din gaya ng fashion statement ni Marian. Ang ganda ng baby dresses na nakita namin online at mas maganda kung si Baby Zia ang magiging endorser nito.

Senior actors naging makasarili sa desisyong pakikipag-usap sa DOLE

Dalawang senior stars pala ang nanguna sa pagtulak ng 8-12 working hours sa DOLE. At totoo bang hindi isinali ng dalawang aktor ang three leading networks sa pakikipag-usap nila sa DOLE?

May mga taga-industriyang nag-react sa ginawa ng dalawang aktor na hindi muna nakipag-ugnayan sa network. Hindi raw inisip ng dalawa na kapag tuluyan nang ipasunod ng DOLE ang 8-12 working hours, titipirin ng mga producer ang pagpoprodyus ng pelikula at TV shows.

Maraming malalaking artista rin at mahuhusay na supporting cast ang ma­wawalan ng trabaho dahil sa halip na sila ang kunin, pipiliin ng mga producer na kunin ang mga newcomer pero mahusay umarte pa­ra makatipid sa production.

Ang mangyari, baka tu­lu­yan nang mamatay ang entertainment industry dahil para ma­ka­tipid, bibili na lang ng canned shows ang TV networks at ‘yun ang ipalalabas para hindi sila malugi at magsara.

Siguradong alam na ng movie producers at networks kung sino ang dalawang aktor na ito. Kunin pa kaya sila sa pelikula at TV shows?

Ang nakitang solusyon ng isang netizen sa magiging problema na ito ng movie producers at TV network, ay ang papirmahin ng waiver ang actors na willing mag-extend ng shooting o taping ng more than 12 hours lalo na ‘yung malalaki ang talent fee.

Kiko pinuri ng direktor sa unang pelikula

Magkasama ang mag-inang Cheska Diaz at Kiko Estrada sa pelikulang dIYOS-DIYOSAn, pero hindi sila ang mag-ina rito.

First movie ito ni Kiko at very proud sa kanya si Cheska dahil mahusay sa kanyang mga eksena at pinatotohanan ito ni direk Cesar Buendia na sinabing isa si Kiko sa pinakamahusay sa kanyang heneras­yon. Na-impress si direk Cesar sa first day shooting ni Kiko na kahit mahaba ang dialogue at madrama ang eksena ay na-deliver nito nang mahusay.

Showing sa May 4, ang pelikulang tutulong para mabuksan ang mga mata at isipan ng mga tao sa mundo ng pulitika. Must-watch ang movie lalo na ng mga boboto sa eleksyon. Sana sipagin ang mga botante na panoorin ang dIYOS-DIYOSAn.

Sa cast na tinanong kung sino ang president nila, si Cheska lang ang uma­ming she’s for Sen. Grace Poe. “I believe in her and I think she’s the nearest,” sabi nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with