^

PSN Showbiz

Nagsanib-puwersa, Kyla, Yeng, Angeline, KZ, at Rachelle Ann may pagsasamahang concert!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sa isang espesyal na concert ang mga tinaguriang Divas ng Cornerstone Talent Management na sina Kyla, Yeng Constantino, Angeline Quinto, KZ, at Rachelle Ann Go. 

Kailangan daw talagang masaksihan ng mga tagahanga ang Divas: Live in Manila concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 11 dahil sa mga pasabog nito.

Ika-sampung taon na ngayon ni Yeng sa industriya kaya magiging bahagi din ito ng selebrasyon ng Pop Rock Superstar. “We’re just so glad dahil naisip po ng aming talent management ang concert na ito. Sobrang dami po talagang sumusuporta na ngayon. Excited kami sa bawat ipapakita on the concert day itself. So alam n’yo naman po na iba-iba ang genre namin, and what more sa mga collaborations na mangyayari. So super exciting talaga,” nakangiting bungad ni Yeng. 

Malaki ang pasasalamat ni Angeline dahil napabilang siya sa nasabing proyekto. Limang taon na sa music industry ang Queen of Theme Songs at ngayon lamang daw niya mararanasan ang ganitong tema ng concert. “First of all gusto ko pong magpasalamat sa Cornerstone family and sa manager po namin si Sir Erickson Raymundo. Siya po talaga ang nakaisip na pagsama-samahin kaming lima at ng concert na ito. Napakalaking tulong po nito sa akin, lalo na sa career ko na makasama ang apat na talented Divas,” pahayag ni Angeline. 

Matatandaang pansamantalang nawala si Rachelle Ann sa bansa dahil sa kanyang performance sa West End show na Les Miserables. Dahil dito ay tinawag na ring West End Diva ang singer. Mamayang gabi na rin ang huling pagtatanghal ng nasabing musical play sa bansa. Hinahanap-hanap na raw ni Rachelle Ann na muling makapag-concert sa Araneta. “Ako naman, siyempre na-miss kong mag-concert bilang matagal akong nawala dito sa Pilipinas. And to share the stage with these talented women of the Philippines, wala akong masabi. Malaking bagay, it’s an honor to share the stage with them. And of course I would like to thank Cornerstone also, napakagandang idea, at sabi ko isang epic na gabi itong concert na ito. First time eh, first time magsama-sama ng iba-ibang genre so kagulo sa gabing ito,” natatawang pahayag ni Rachelle Ann. 

Para naman sa R&B Queen na si Kyla ay hindi na niya halos maisip kung gaano magiging kasaya ang mga manonood ng kanilang concert. “I’m also very thankful sa Cornerstone family namin because pinagsama-sama kaming lima. Of course very, very grateful and honored to be part of this at makasama ko ang magagaling na artists. Looking forward din ako sa mga fans, kung gaano kagulo ang Araneta sa concert na ‘yan,” nakangiting pahayag ni Kyla. 

Ang pinakabaguhan sa limang divas sa industriya ay si KZ na nakikilala na rin ngayon bilang Soul Supreme. Isang malaking karangalan daw para sa dalaga na makasama ang kanyang mga iniidolo sa isang malaking concert tulad nito.“Feeling ko, sa aming lima, this is gonna be the first time na magkakaroon ng concert na kasama talaga ako sa magko-concert, hindi ‘yung guest ako. So this is a milestone for my career. I’ve been in this business for ilang years pa lang, four years pa lang sa October but I’m already given the opportunity to be a part of this big concert. Kasama pa ang apat na singers na dati ay pinapanood ko lang. I’m very thankful sa Cornerstone family namin for giving us the opportunity, for believing in our talents. And naniniwala sila na kapag pinagsama-sama mo ang iba’t ibang klaseng genre, isang napakagandang show ang lalabas,”pagbabahagi ni KZ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with