^

PSN Showbiz

Meryl hindi nadadamayan ang amang may pinagdaraanan, Vic puro pasasalamat ang natanggap nung birthday

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakakatuwang basahin ang birthday message ni Pauleen Luna kay Vic Sotto.

Ipinost ni Pauleen sa kanyang Instagram account ang mensahe para sa kanyang asawa.

Aniya; “To my best friend, husband, better half, may this be your best birthday yet! I thank God everyday for you…So grateful for your life! I love you, forever!”

Ang cool naman ng mensahe ng mga anak niya.

Sabi ni Danica Sotto-Pingris; “Happy Happy birthday to the coolest Dad ever!! We love you and thank you for a wonderful vacation!!”

Mula naman kay Oyo Sotto“Sa pinaka gwapo at pinaka nakakatawang lalake ng buhay ko…Happy birthday Dad! I love you!”

Nagpapasalamat naman si Paulina sa lahat na suportang ibinigay sa kanya ng kanyang ama.

Kahit si Kristine Hermosa ay nagpapasalamat sa kanyang father-in-law na napaka-thoughtful at napaka-generous ayon sa kanya.

Humabol naman sa bakasyon nila sa JPark Watersports sa Cebu si Vico Sotto maging si Sen. Tito Sotto.

Kita naman sa mga larawan kung gaano kasaya si Bossing Vic sa selebrasyon ng kanyang 62nd birthday.

PAK: Totoo kayang binabawasan muna ang TV guestings ni Valeen Montenegro sa GMA 7?

Ang sabi raw, overexposed na kasi ito. Pero sa Sunday PinaSaya at sa Poor Senorita lang naman siya napapanood. Kaunti pa ito ‘di tulad ng sa ilang Kapuso stars na kabi-kabila ang TV guestings bukod sa mga regular shows nila.

BOOM: Medyo guilty si Meryl Soriano dahil matagal na raw niyang hindi nadadalaw ang ama niyang si Willie Revillame. Kaya nagulat siyang hindi man lang daw niya nalamang may pinagdaanan ito pagkatapos mabuhay uli ang Child Abuse case na isinampa laban sa kanya.

Pero kilala raw niya ang Papa niya na kapag may mga pinagdaanang problema, hindi ito ipinaparating sa kanila. Sinasarili lang daw ito ni Willie at solo niyang hinaharap at nilulutas ang mga ito.

Gusto raw sana niyang maglaan ng oras para madalaw at maka-bonding ang kanyang ama. “‘Yun lang naman ang gusto ko, na magkaroon kami ng oras together. Unfortunately, ako ngayon ang naging busy. Hindi ko siya nadadalaw. I feel very bad, I feel very guilty, hindi ko siya natsi-check.

“Ngayon madadalaw ko na siya dahil tapos na rin kami sa (That’s My) Amboy eh,” seryosong pahayag ni Meryl.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with