^

PSN Showbiz

Motion for reconsideration ibinasura kasong child abuse kay Willie malakas pa rin ang laban

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nabuhay na naman ang matagal nang kumalat na litratong hubad ni Ejay Falcon.

Ipinarating sa amin ng kampo ni Ejay na inilabas sa isang blog ang litrato ng isang lalaking natu­tulog at nakalabas ang ari nito. Ang sinasabi, si Ejay daw ito. Pero tinitiyak sa amin ng ilang taong malapit sa Kapamilya actor na hindi ito ang aktor.

Maaring kamukha lang, pero hindi raw talaga si Ejay ang nasa larawan.

PAK: Kasama ni Vic Sotto ang misis na si Pauleen Luna at mga anak at mga apo na nagbakasyon sa isang private resort sa Cebu para i-celebrate ang kanyang 62nd birthday.

Nasa Instagram account na nina Pauleen, Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto ang masasayang moment nila roon.

Ang wish lang naman kasi ni Bossing Vic sa kanyang kaarawan ay kumpletong makakasama niya ang buong pamilya.

Sinabihan daw niya si Pauleen na huwag na siyang bigyan ng birthday gift. Basta ang mahalaga ay magkakasama silang lahat.

Ang anak ni Bossing Vic na si Vico Sotto ang hahabol lang sa Cebu dahil abala pa ito sa panga­ngampanya.

BOOM: As of presstime wala pa ring statement si Willie Revillame sa desisyon ng Court of Appeals na pinagtibay ang unang desisyon ng QC Regional Trial Court na may basehan ang reklamong Child Abuse laban sa host ng Wowowin.

Ibinasura nga ng 13th division ng CA ang motion for reconsideration na isinumite ng legal counsel ni Willie para hindi siya maaresto at ipawalang-bisa ang naturang kaso.

Napakatagal na ng kasong ito at napag-alamang patuloy pa ring sinusuportahan ni Willie ang batang pinasayaw niya noon sa programa niyang Willing-Willie.

Pumupunta pa nga raw minsan ang pamilya nito kay Willie para bumisita at magpasalamat sa patuloy na pagtulong ng TV host.

Umiiyak nga raw ang magulang ng bata dahil nahihiya sila kay Willie sa nangyayari.

Maraming netizens ang nag-react dahil mas marami pa raw matitinding pang-aabuso sa mga batang inosente ang hindi nasisintensyahan at mas binigyan pa ng pansin ang kaso ni Willie dahil sikat ang involved.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with