^

PSN Showbiz

Sharon nanggulat, bagong katawan inirampa sa Bisaya!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa ang fans ni Sharon Cuneta nang ipangampanya nito sa Kabisayaan ang senatorial candidacy ng kanyang mister na si Francis Pangilinan.

Kasama ng Pangilinan couple sa pangangampanya ang kanilang mga anak na babae.

Nagulat ang mga nakakita kay Sharon dahil malaki na ang ipinayat niya. Kung tama ang narinig ko, thirty pounds ang nabawas sa timbang ni Sharon kaya payat na siya kung ikukumpara sa size ng kanyang katawan sa bagong television commercial niya.

Baguhan hindi natural ang ganda

Maganda pero hindi kagandahan ang newcomer na ibini-build up ng isang television network.

Mahusay lang yata ang makeup artist ng baguhang aktres kaya stunning ito nang unang ipakilala siya noon sa publiko.

May mga duda na maraming dapat ipagpasalamat sa doktor ang newcomer gaya ng kanyang ilong at boobs.

Malalaman natin ang kasagutan kapag sumikat ang aspiring actress dahil siguradong kakalkalin ang kanyang mga lumang litrato para sa then and now at before and after comparison na gagawin ng fans.

Matinding tarayan sa Debate hindi nangyari

May mga nagsasabi na boring ang PiliPinas Debates noong Linggo.

Hindi naman ako nakaramdam ng boredom sa ABS-CBN-sponsored presidential debates. Bored lang siguro ‘yung iba dahil hindi matindi ang pagtatarayan ng mga presidential candidate tulad ng nangyari sa debate sa University of the Philippines Cebu noong nakaraang buwan.

Nag-expect siguro sila na magpapalitan uli ng maaanghang na salita sina Vice President Jojo Binay, Senator Grace Poe, Mar Roxas, at Davao City Mayor Rodrigo Duterte pero minsan lang nangyari ang inaasahan nila, ang sagutan nina Papa Mar at Papa Rody dahil sa dialogue nito na mababa sa survey ang manok ng Liberal Party.

Magiging next Kris o Mikey inaabangan na

Sinuportahan ang mga presidentiable ng kanilang mga anak sa PiliPinas Debates.

Nakita sa University of Pangasinan sina Paolo Roxas, ang anak ni Papa Mar, si Baste Duterte, Brian Poe at siyempre, si Senator Nancy Binay.

Starstruck sa mga anak ng mga presidentiable ang mga bagets sa Dagupan City kaya nag-request sila ng photo op kina Baste, Paolo, at Brian na may mga tagahanga na rin.

Bago pa nagkasama-sama sa iisang lugar ang tatlo, nagkaroon na ng survey noon kung sino sa kanila ang karapat-dapat na maging presidential son.

Wondering ang fans kung may another Kris Aquino o Mikey Arroyo sa mga anak ng mga presidential candidate. Naging madali kina Kris at Mikey ang pagpasok noon sa showbiz dahil ang pagkakaroon ng mga nanay na presidente ang kanilang ginamit na “ticket” at claim-to-fame.

Mga balimbing na supporter huling-huli sa kamera!

Kaloka naman ang video ng mga supporter ng isang presidential candidate na nanghihingi ng mga T-shirt mula sa mga tauhan ng kalaban ng kanilang ipinangangampanya.

Suot ng mga supporter kuno ang T-shirt ng presidential candidate at nakasakay sila sa mga jeep na tadtad ng poster at stickers ng presidentiable.

Tama ba na manghingi sila ng give away na T-shirts at mag-dialogue na trabaho lang ang ginagawa nila pero ang kalaban na presidentiable ang kanilang iboboto?

Hindi yata napansin ng mga balimbing at hunyango ang mga nakatutok na kamera kaya mahihirapan sila na mag-deny at bilang na ang kanilang maliligayang araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with