^

PSN Showbiz

Angeline iniyakan ang duet nila ni Regine; isang nanood nag-propose sa kanyang GF!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumadagundong ang MOA arena kamakalawa ng gabi dahil sa hiyawan ng mga nanood ng Royals, ang Valentine concert nina Regine Velasquez, Martin Nievera, Erik Santos at Angeline Quinto.

May kani-kaniyang hukbo ng mga tagahanga ang bawat isa sa kanila pero as usual, ang fans pa rin ni Regine ang pinakamarami.

Super enjoy ang fans ng apat mula sa matatanda hanggang sa mga ba­gets.

Kinanta kasi nila ang ilan sa mga sikat na kanta ngayon nina Adele at Justin Bieber.

Reminiscing naman ang dating nang kantahin nila ang mga kanta ng Eraserheads kung saan napaakyat pa ng stage sina Ogie Alcasid at Vice Ganda para maki-jamming.

Sa unang parte ng show, nahalata namin na “medyo” nahihiya pa si Angeline sa kanyang idol na si Regine. Medyo nasapawan pa nga ng Songbird si Angeline sa kanilang first song number pero agad naman siyang (Angeline) nakabawi lalo na nang mag-duet sila sa mga pinakasikat na kanta ni Whitney Houston.

Mga kanta naman ni Basil Valdez ang kinanta nina Martin at Erik.

Totoong love is in the air nang gabing ‘yun dahil isang lalaki na nasa au­dience ang kumuntsaba sa buong production ng concert para mag-propose sa kanyang girlfriend.

Drama naman ang peg ni Angeline nang mapaiyak siya pagkatapos nilang mag-duet ni Regine, dream niya raw kasi ang makasabay kumanta ang Songbird at lalo pa itong naiyak nang sabihin ni Regine na she’s proud of her and she deserves to be on stage.

Divang-diva na talaga ang dating ni Angeline dahil ilang beses din siyang nagpalit ng gown, katulad ng kanyang idolong si Regine.

Kagabi ay napanood sa Cebu ang Royals.

                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with