^

PSN Showbiz

Gerald naramdaman ang mga ‘sakit’ nang mawalan ng GF

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Maraming mga bagay ang natutunan ni Gerald Anderson habang ginagawa ang pelikulang Always Be My Maybe na pinagbibidahan nila ni Arci Muñoz. Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikula simula February 24. “Isa sa natutunan ko is ‘yung huwag kayong pumasok sa isang relationship kung hindi talaga kayo ready because ‘yung feelings ng ibang tao sobrang importante talaga. Do’n mo malalaman ‘pag wala na, mas masakit talaga. Realizing your faults, ‘yung shortcomings mo and try to do your best next time. Kasi ‘pag hindi kayo handa, mahirap ‘yan para sa ‘yo at para sa partner mo. Mawawalan din siya,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Napaisip daw ang aktor na malapit talaga sa kanyang personal na pinagdaanan ang kanyang karakter sa nasabing proyekto. “Feeling ko nga hindi movie itong ginawa namin eh. Parang naging retreat para sa akin. ‘Yung una dine-deny ko pa na hindi, hindi naman ako ‘yung gano’ng kalala. Hindi, hindi naman ako ‘yun. Pero ginagawa namin ‘yung mga eksena, parang gusto kong kausapin ‘yung mga writers at itanong na ako ba ‘yung peg n’yo rito?’” natatawang kwento ni Gerald.

“Sobrang amazing experience. Lagi kong sinasabi sa mga ginawa kong movies na ang dami kong natututunan but dito sa movie, ito ‘yung life changing. Sa rami kong pinagdaanan, ang dami ko ring na-realize dito sa movie. Lahat ng mga lalaki sa generation ko ngayon, parang ang tanda ko na kasi, ako na ‘yung nagbibigay ng advise sa mga kaibigan ko,” dagdag ng aktor.

Masaya daw ngayon si Gerald sa pagiging single at hindi pa rin siya nakahanda na muling makipagrelasyon. “Masaya ako now, sobra. I’m at peace at ‘yon naman ang importante. Lalo na kung nagkamali ka at may kasalanan ka, tapos aaminin mo. ‘Yun ang pinakaimportante eh, being at peace and forgiving yourself,” pagtatapos ng binata.

Dawn NG PBB babalik ng Australia para ayusin ang mga naipundar

Isa ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Dawn Chang sa female group na Girltrends na ipinakilala sa It’s Showtime noong Sabado. Regular nang mapapanood sa noon time show ang Girltrends ngayon. “Marami kayong makikitang magagandang dalaga dito sa grupo namin at paiindakin at i-spice namin ang tanghalian nila. Iba-ibang group siya. So there’s the teen ones, meron kaming medyo mga baby pa, meron ding mature saka meron ding mga model type,” pagbabahagi ni Dawn.

Matatandaang sa Australia namalagi ng anim na taon ang dalaga bago umuwi sa Pilipinas at pumasok sa PBB house. Nagbabalak daw na bumalik si Dawn sa Australia upang ayusin ang kanyang mga naipundar doon. “As long as the blessings are continuous naman, I would love to stay here hopefully. I’m planning to go back for a visit. Siguro mga one week lang para ayusin ang mga kailangang ayusin. ‘Yung mga gamit ko, ‘yung kotse, ‘yung bahay,” paliwanag ng baguhang aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with