^

PSN Showbiz

Black and white pa pelikula nina Piolo at John Lloyd, walong oras mapapanood! Luis block and delete ang pambala sa mga nanghuhusga!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagkagulo ang mga tao sa campaign sortie ng Partido Galing at Puso sa San Carlos, Pangasinan nang tawagin ang pangalan ni Edu Manzano at nang umakyat ito sa stage.

SCENE: Senatorial candidate si Edu Manzano ng Partido Galing at Puso. Click na click sa masa ang biro ni Edu na dual ang kanyang citizenship, Filipino at senior.

SEEN: Cardiac arrest ang ikinamatay ni Lauro Vizconde noong Sabado at nakaburol ang kanyang labi sa The Heritage Park, Taguig City. Namatay si Vizconde na hindi nakamit ang hustisya sa pagpaslang sa kanyang asawa at dalawang anak noong June 1991. Isinapelikula noong 1993 ng Golden Lions Films ang The Vizconde Massacre: God Help Us!

SCENE: A Lullaby To The Sorrowful Mystery ang English title ng Hele Sa Hiwagang Hapis, ang pelikula ni Lav Diaz na kalahok sa Berlin International Film Festival 2016.

SEEN: Walong oras ang haba ng Hele Sa Hiwagang Hapis, ang black and white movie na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

SCENE: Ang makahulugan na Instagram post ni Diether Ocampo na “Less is More. Words are cheap” na pinaghihinalaan na sagot niya sa mga batikos sa kanya sa ‘matigas’ niyang acting.

SEEN: Block and delete ang aksyon ni Luis Manzano sa negative comments ng fans na below-the-belt ang paghuhusga sa kanya dahil sa pakikipaghiwalay niya kay Angel Locsin.

SCENE: Successful ang neck surgery ni Angel Locsin sa isang ospital sa Singapore noong Sabado. Sporting a neck brace si Angel para mapabilis ang kanyang paggaling.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with