^

PSN Showbiz

Mukhang wala na raw pag-asa AiAi sinukuan na si Jiro

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nu’ng February 7 pa sinimulan ang pagbenta sa iTunes ng digital album ng GMA Records na One Heart.

Kaya taus-pusong nagpapasalamat si Mel Tiangco dahil ang proceeds nito ay ibibigay sa Kapuso Foundation.

Sa presscon ng naturang album ay ipinahayag ni Ms. Mel Tiangco na ang kikitain ng naturang album ay ilalaan nila sa mga humihingi ng tulong para sa may mga sakit.

Ito raw ang nakakaligtaan ng mga tumutulong dahil madalas lang na binibigyan ay ang mga nasalanta ng bagyo at ng iba pang kalamidad.           

Halos araw-araw daw ay may pumupunta sa tanggapan ng Kapuso Foundation para humingi ng tulong sa kapamilya nilang may sakit. Doon daw sila kinukulang ng pondo, kaya mala­king tulong itong One Heart album para may maibigay sila sa mga humihingi ng pampagamot.

Ilan sa mga taga-GMA Artist Center na bahagi sa One Heart Album ay sina Yasmien Kurdi, Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Derrick Monasterio, at Kris­toffer Martin.

PAK: Halos sunud-sunod na naglabasan ang mga sex video at so far, si Martin del Rosario lang ang umamin na siya ang nasa litrato na kitang-kita ang maselang parte ng katawan.

Hindi lang daw niya maalala kung saan at kung paano siya nakunan. Kung ibabase sa litrato, nakikita namang hindi siya aware na kinukunan siya.

In fairness, may ipinagmamalaki naman si Martin kaya hindi siya dapat mahiya.

Next time raw ay mag-iingat na siya. Pero wala naman daw siyang magawa dahil lumabas na ang litrato kaya move on na lang siya.

Isa pang young actor ang super deny sa kumalat na sex video. Napagalitan na nga ito ng mother studio niya dahil hindi raw ito maganda sa image niya bilang young actor.

BOOM: Nalulungkot si AiAi delas Alas dahil hindi naging successful ang pagpapa-rehab niya kay Jiro Manio. Kaya naman ay ibinalik nila ito pero hindi na sa dating rehab na pinasukan nila sa dating child actor. Medyo may kalayuan ang naturang rehab na ipinakiusap ni AiAi na huwag nang sabihin kung saan.

Ipinaubaya na raw muna niya si Jiro sa pa­mil­ya dahil kailangan talaga ang suporta nila.

May ilang documents na kailangang pirmahan ng pamilya ni Jiro, kaya tingin niya ay mas mabuting ipa­ubaya na muna niya ito sa kanila.

Sana may maitulong ang pamilya at hindi lalong magpapaalala sa problema.

Ayaw mang sabihin ni AiAi pero mukhang suko na rin siya kay Jiro dahil sa mga nakikita niyang proble­mang hinaharap ng dating child actor kaya hindi ito gumagaling.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with