^

PSN Showbiz

Pananamihik ni Kris ‘di na sineseryoso

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ini-enjoy at hindi na sineseryoso ni Martin del Rosario ang pagkalat ng kanyang alleged nude photos. Sa dami ng mga hubad na larawan na ibinibintang kay Martin, hindi na alam ng mga tao kung alin ang totoo at hindi.

SCENE : Wala nang sumeseryoso sa “keeping her silence  mode” ni Kris Aquino dahil hindi siya nakakatiis na huwag ikuwento sa publiko ang mga pangyayari sa kanyang personal na buhay.

SEEN : Ang favorable reviews sa pilot episode ng Bakit Manipis Ang Ulap? ng TV5 at Viva Entertainment na nagkaroon kagabi ng special preview sa SM Aura Cinema 1. Maipagmamalaki nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Cesar Montano ang kanilang primetime teleserye na magsisimula sa darating na Lunes, February 15.

SCENE : Ang newspaper publication tour ni Mark Neumann na hinarana at binigyan ng mga chocolate ang entertainment editors at writers na binisita niya. Hindi sapat ang ginawa ni Mark para mawala sa isip ng kanyang  mga dinalaw ang rumored video scandal niya.

SEEN : Karapatan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na gawing pribado ang binyag ng kanilang anak. Walang karapatang magtampo ang mga hindi maiimbita.

SCENE : Nakakaaliw panoorin ang Love Is Blind ng Regal Entertainment Inc. kaya hindi dapat isentro ang publicity ng pelikula sa kissing scenes nina Kiray Celis at Derek Ramsay.

SEEN : Ang magagandang condo unit ng SMDC ang ginamit na set sa mga eksena ng Girlfriend For Hire. Magkasosyo ang Viva Films at SMDC sa Girlfriend For Hire.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with