^

PSN Showbiz

Pauleen pahinga sa showbiz?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

By this time ay nakabalik na ang bagong kasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna galing sa kanilang five-day honeymoon sa Maldives. Gustuhin mang mag-extend ng kanilang honeymoon ay kailangan na nilang bumalik dahil sa Eat Bulaga. Kailangan na si Vic sa programa dahil naka-leave of absence na ang kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Tito Sotto na magsisimula nang ma­ngam­panya.

Pauleen is free to return to Eat Bulaga any day pero gusto muna nitong pagtuunan ng pansin ang ka­nilang lilipatang bahay at ang kanyang bagong role bilang misis ni Vic Sotto.

Richard sulit ang ipinaghintay ng tatlong taon

Kung parehong nag-lie low sa kanilang respective careers ang mag-partner na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati matapos mag-expire ang kanilang kontrata sa GMA in 2013, pareho namang busy ngayon ang parents ni Zion Gutierrez.

Mainstay na sa ASAP si Sarah at meron itong bagong teleserye sa ABS-CBN. Si Richard naman ay nagbabalik sa prime­time in a new channel (TV5) sa kanyang pinakabagong fantasy TV series na Ang Panday, isang classic creation ni Carlo J. Caparas na tumatak sa pelikula sa pamamagitan ni Fernando Poe, Jr.

Masayang-masaya si Richard dahil siya ang napisil ni Boss Vic del Rosario, Jr. ng Viva TV para pagbidahan ang isang napakalaking proyekto for TV5. Malaki rin ang nagawa ng bagong co-management deal ngayon ng mommy ni Richard na si Annabelle Rama with Viva Artists Agency ganundin naman ni Sarah na nasa pangangalaga na rin ng Viva.

Almost three years din ang ipinaghintay ni Richard bago siya muling nagkaroon ng bagong TV series at nag-pay off naman dahil isang matinding proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya.

Anne tinapatan si Ogie!

Dahil sa pagsisimula ng pinakabagong singing reality show ng TV5 at Viva TV na Born to Be a Star, agad ding nagbuo ng bagong singing competition ang Kapamilya Network sa pamamagitan ng I Love OPM to be hosted by Anne Curtis with Martin Nievera, Lani Misalucha, at Toni Gonzaga as judges at nakatakdang mapanood sa ere simula sa darating na Sabado, Febuary 13 na kung hindi kami nagkakamali ay itatapat sa Born To Be A Star hosted by Ogie Alcasid with Yassi Pressman and Mark Bautista as co-hosts habang ang ex-wife naman ni Martin Nievera na si Pops Fernandez ang isa mga tatayong judges kasama sina Rico Blanco, Andrew E. at Aiza Seguerra.

Ang Born to Be A Star ay nagsimulang mapanood sa TV5 last Saturday, February 6 ng 7:00 p.m. na sinundan ng Tasya Fantasya nina Shy Carlos at Mark Neumann at MTV Top 20 Pilipinas hosted by Aryanna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with