^

PSN Showbiz

Lolo na kasi ang katabi sa pagtulog, female personality nalulungkot pa rin kahit nagkakamal ng salapi!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang beses na na­ming naririnig ang litanyang masarap ang may maraming pera pero hindi kayang ibigay ng salapi ang lahat-lahat ng makapagpapaligaya sa atin.

Sabi ng isang sikat na banyagang perso­nalidad, “It’s lonely at the top,” dahil hindi nito alam kung sinu-sino ang tapat sa kanya at kung sinu-sino rin ang mga taong nakapalibot lang sa kanya para manggamit.

May isang female personality na halos nakahiga na sa salapi dahil sa milyonaryo nitong karelasyon, pero makikita sa kanyang mga mata ang lungkot, marami pa ring hinahanap ang babaeng personalidad.

May isang babaeng personalidad naman na walang pakialam sa kaligayahan, ang importante lang para sa kanya ay pera, gusto lang nitong mabili ang lahat ng kanyang granatsa sa buhay.

Pero may isang female personality ngayon na tinatawag na flavor of the month ng mga nakakakilala sa isang milyonaryong pulitiko. Sunod ang layaw ng hindi pa gaanong kilalang aktres, buong angkan niya ang ginagastusan ng politician na sumasargo ang salapi, ibinili na rin siya ng bahay ng karelasyon niyang may edad nang pulitiko.

Minsan ay sinabi ng babae sa kanyang kaibigan, “Bakit ganu’n? Nasa akin na ang lahat-lahat ngayon, maganda na ang buhay ng pamilya ko, nabili ko na ang lahat ng branded stuff na pinapangarap ko lang nu’n, pero hindi pa rin ako happy?

“Mas masaya pa rin ako nu’ng simple pa lang ang buhay ko, nu’ng pinag-iipunan ko pa ang mga kagamitang gusto ko. Hindi ako happy, comfortable lang ang buhay ko, pero hindi talaga ako masaya,” pagtatapat ng female personality sa kanyang kaibigan.

Sagot ng kausap ng girl, “Paano ka naman magiging masaya kahit milyun-milyon ang hinahawakan mo, e, hindi mo naman mahal ang politician? Ang bata-bata mo pa, pero ang katabi mo sa kama, e, kulay violet na ang mga kuko sa katandaan? Money can’t make you happy.”

Ubos!

‘Kadakilaan’ ni Mark Neumann pinag-pipiyestahan

Nakaabot sa amin ang impormasyon na ‘yun palang babaeng naka-chat ni Mark Neumann sa pinagpipistahan niyang sex video ay hindi si Ellen Adarna.

Kahawig lang ito ng sexy star, ginaya lang din ng babae ang ayos at porma ni Ellen, dahil alam nito na malaki ang crush ng guwapong aktor sa sexy star.

Disisiyete anyos lang pala si Mark nang maganap ang pakikipag-chat niya sa babae, hindi pa siya sumasali sa Artista Academy ng TV5, beinte uno anyos na ngayon si Mark.

Matagal na pala siyang pinagbabantaan ng babae na kung hindi nila uulitin ang kanilang ginawa ay ilalabas nito ang sex video. ‘Yun ang dahilan kung bakit nagpalit ng numero ang guwapong bagets.

Pero walang pakialam sa ganu’n ang mga beking kinilig-nag-init nang mapanood nila ang sex video ni Mark, naging pabaya man daw sa disiplina ang guwapong batang aktor ay panalo naman ang reaksiyon ng mga nakasilip sa kanyang sex video, dahil lahat sila ay napasigaw ng “Napakadakila mo, Mark Neumann!”

Isang kaibigan pa naming beki ang nagkomento, “Dapat gayahin ng ibang male personalities si Mark. Huwag na silang gumawa ng sex video kung wala naman pala silang ipakikita! Sarilinin na lang nila ang kanila, huwag na nilang ibuyangyang pa sa publiko dahil mapipintasan lang sila!”

Sa kahit anong argumento man daanin ang paglabas ng sex video ng mga kilalang personalidad ay hindi pa rin tama ang kanilang pagpapabaya. Huwag silang nagpapadala sa panandaliang kaligayahan na pasisisihan nila pagkatapos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with