^

PSN Showbiz

Nora nanguna sa pagpapasaya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bonggang sinimulan ng GMA Network ang taong 2016. Hindi lang isa, kung hindi tatlong malalaking selebrasyon ang dinaluhan ng Kapuso stars nitong Ene­ro, kasama pa nga ang nag-iisang Superstar Nora Aunor.

Mas lalo pa ngang naging matingkad ang selebrasyon ng Sinulog Festival sa Cebu sa sayang hatid ng mga bida ng high-rating shows na Buena Familia, Little Nanay, Destiny Rose, at Because of You. 

Sa isang back-to-back Kapuso Mall Show sa Gaisano Grand Mall Mactan at Ayala Terraces noong Enero 15, pinakilig ng Little Nanay lead stars na sina Kris Bernal at Mark Herras ang mga manunuod sa kanilang song numbers. Hindi naman nagpahuli ang Buena Familia actors na sina Kylie Padilla at Kenneth Earl Medrano. Ang That’s My Bae winner na si Kenneth, naghandog pa ng sayaw sa kanyang mga kapwa Cebuano.

Kinabukasan, dagsa ang tao sa Gaisano Grand Fiesta Mall sa Tabunok para saksihan ang mall show ng mga bida ng hit shows na Because of You at Destiny Rose. Ang magkaribal sa Because of You na sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell ay talaga na­mang pinakilig ang mga manunuod sa kanilang song numbers. Hindi rin napigilan ang tili ng mga Cebuano nang haranahin na sila ni Destiny Rose Ken Chan at ng co-star nitong si Katrina Halili.

Samantala, ang hosts naman ng Sunday Pinasaya (SPS) na sina AiAi delas Alas at Valeen Montenegro ang nakisaya sa Longganisa Festival noong Enero 20 sa pamamagitan ng isang Kapuso Fiesta sa Plaza Burgos, Vigan City. Ang Kapuso comedian na si John Feir ang host sa naturang fiesta.

Kasama ng mga Ilonggong nakisaya sa Dinagyang Festival ang stars ng bagong afternoon drama series na Wish I May na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix - o mas kilala bilang “BiGuel”. Damang-dama nga ang pag-ibig sa kanilang Kapuso Mall Show sa Robinsons Iloilo noong Enero 22.

Hindi pahuhuli ang bida ng family serye na Little Nanay sa pagpapasaya. Mismong ang Superstar na si Nora Aunor ang nanguna sa Kapuso Mall Show noong Enero 23 kasama ang kanyang co-stars na sina Kris Bernal, Hiro Peralta, Juancho Trivino, at direktor na si Ricky Davao. Tunay ngang “Happy Lang” ang vibe sa mga manunuod ng Kapuso Mall show sa SM City Iloilo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ang Superstar sa regional tour ng Kapuso Network.

Parehong ipinagdirirwang ang Sinulog at Dinagyang bilang pagbibigay-pugay kay Sto. Niño samantalang ang Longganisa Festival naman ay taunang ginaganap sa Ilocos Sur upang ipagdiwang ang sikat na Vigan longganisa. 

Ang pagpunta ng Kapuso stars ay isa lamang sa maraming paraan ng pagpapasalamat ng GMA sa suportang natatanggap nito sa mga manunuod sa labas ng Metro Manila.

“We thank our Kapusong Cebuano, Ilonggo, and Ilocano for the warm welcome they continue to give us eve­ry time we join them in their annual festivals. We look forward to bringing more of our Kapuso shows and artists closer to them. We hope to bring joy and entertainment to all our Kapuso fans throughout the country,” ayon kay Oliver Amoroso, GMA’s Senior Assistant Vice President and Head of Regional Business Development Division.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with