PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nasa atin na raw ang korona Pia nakiusap na ‘wag nang patulan ang Colombians!

PIK: Marami ang na-impress sa nakakamanghang trailer ng Darna na ipinapakita sa pelikulang Beauty and the Bestie at All You Need is Pag-ibig ng Star Cinema Films.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala napagdesisyunan kung sino na ang gaganap na Darna. Ilan sa naririnig naming pinagpipilian ay sina Liza Soberano, Jessy Mendiola, Nadine Lustre, at Kathryn Bernardo. Meron pa ngang si Anne Curtis pero wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni direk Erik Matti.

Pero sa laki ng pelikulang ito, mukhang matagal daw ito gagawin kung sakaling sisimulan na nila early this year. Baka ang ending daw nito, isasali na rin nila sa susunod na Metro Manila Film Festival (MMFF). Nagdadalawang-isip lang daw dahil si Erik Matti ang magdidirek na dismayado sa pamamalakad ng MMFF.

PAK: Gusto na lang ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na maging positive at huwag nang patulan ang mga namba-bash pa rin sa kanila.

Meron pang inilabas ang isang blogger na may sinusunog ang Colombians na effigy nina Pia at Steve Harvey, pero ayaw nang mag-react dito ng bagong Miss Universe.

Siya na rin ang nakiusap sa mga kababayan natin na huwag nang pumatol at mag-bash ng ibang lahi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sabi nito sa kanyang fan page; “Mga kababayan wag na po tayong mag-comment ng masama tungkol sa ibang lahi. At wag na po tayo pumatol sa mga bashers. Nanalo na po tayo, sapat na po yun.”

BOOM: Totoo kayang isang malaking biopic ng isang kilalang celebrity ang balak i-produce ng isang malaki ring movie production outfit?

Iisa lang daw ang balak nilang gaganap sa interes­ting na karakter ng taong ito; si Gov. Vilma Santos lang.

Wala na raw siyang ibang artistang gaganap nito kundi si Gov. Vi. pero med­yo matagal pa ito masisimulan dahil may elek­syon pang haharapin ang Star for All Seasons.

Balak pa lang daw nilang kausapin si Gov. Vi tungkol sa malaking proyektong ito.

Abangan na lang natin!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: