^

PSN Showbiz

Janella excited subukan si Elmo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Janella Salvador dahil magkakaroon na siya ng bagong teleserye sa susunod na taon. Si Elmo Magalona na isa na ring Kapamilya star ang makakatambal ni Janella sa Born for You.

Nagkita at nagkakilala na ang bagong magkatambal noong isang linggo. “He seems like a very nice guy. Parang gentleman naman siya. We haven’t really talked. We are all ho­ping na this is going to work. I just actually met him, so wala pang expectations,” nakangi­ting pahayag ni Janella.

Nararamdaman daw ng dalaga na madali silang magi­ging malapit ni Elmo sa isa’t isa kapag nagsimula na ang taping ng kanilang serye. “I guess naman mabilis kami magiging close dahil sa music nga. I think we are going to have bondings din. I’m sure naman by January, we are close na,” giit ni Janella.

Nasabi na rin ng dalaga sa dating katambal na si Marlo Mortel ang tungkol sa bago niyang gagawing proyekto. “I’m happy din naman to be trying something new, something fresh. Even Marlo is happy for me naman. It doesn’t mean naman na may bago akong project, may iba siyang ginagawa, hindi na kami mag-uusap at all. Siyempre we are still going to keep in touch,” pagbabahagi ng aktres. “Hindi naman po ito goodbye forever with Marlo. More on exploring lang, kaming dalawa ngayon. If ever, just like Born for You. If we are destined for each other, magkikita din kami in the future,” dagdag pa ni Janella.

SUE tuwang-tuwa sa kakaperanggot na participation sa ASC

Hindi raw inakala ni Sue Ramirez na mapapabilang siya sa pelikulang A Second Chance na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Aminado si Sue na naging paborito talaga niya ang pelikulang One More Chance na ipinalabas walong taon na ang nakararaan. “I’m a big fan of the first one eh. So no’ng nakita ko ‘yung teaser nito, na-excite ako. Talagang share ako sa Facebook, sobrang excited ako,” bungad ni Sue.

Hindi bahagi ang aktres ng naunang pelikula kaya talagang nagulat siya nang malaman na kasama siya sa nasabing proyekto. “Nag-text sa akin ‘yung RM (road manager) ko. ‘Sue, start ka na ng shooting next week.’ Sabi ko, ‘Shooting po for what?’ Sabi niya, ‘Yung One More Chance na part two.’ Grabe! Nagtatalon ako sa tuwa kasi sobrang grabeng favorite, talagang sobrang astig talaga ‘yung movie na una,” kwento ni Sue. “Sobrang honored po ako to be part of this. Kahit short lang po ‘yung role ko, sobrang honored po ako,” dagdag pa niya.

Samantala, ngayon ay napapanood na rin si Sue sa tele­seryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang karakter ni Sue bilang si Ligaya ang bagong nauugnay kay Daniel bilang si Angelo.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ANG

BEA ALONZO

DANIEL PADILLA

ELMO MAGALONA

EVEN MARLO

JANELLA

QUOT

STRONG

SUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with