^

PSN Showbiz

Lovi natakot sa Paris!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bukas na ang lipad nina Lovi Poe para sa European trip na birthday treat niya sa kanyang ina at tita. Hanggang December 10 sila sa ibang bansa at wala na sa itinerary nila ang Paris, France dahil natakot ang aktres sa nangyari kamakailan. Sa halip, sa Amsterdam, Prague, and Budapest na lang sila pupunta.

May iba pa sigurong lugar na pupuntahan sina Lovi dahil 12 days din silang magta-travel. Dream pa naman ni Lovi na dalhin sa Vatican ang ina at Lourds.

Samantala, mapapa­no­od muna ni Lovi ang ending ng Beautiful Strangers na magtatapos ngayong araw. Malungkot ito at mga kasama sa cast at production staff dahil naging very close sila sa 16 weeks na pagsasama.

Natuwa ang nalulungkot na fans nina Lovi at Rocco Nacino na sa pagtatapos ng Bautiful Strangers ay may mga eksena pa silang magkasama at nagpakuha pa ng pictures kasama sina Heart Evangelista at Benjamin Alves.

Sa tanong kung ano ang mai-expect sa final day ng serye, “Expect the unexpected. Our writers have had a very good vision on how the story will go. The ending is heartbreakingly beautiful,” sabi nito.

Maricel walang malay na magkaka-show sa TV5

Hindi pa pala alam ni Maricel Soriano na may sitcom silang pagsasamahan ni Quezon City councilor Roderick Paulate at ang Viva Entertainment ang in charge. Sa nakaraang birthday party lang ni Malou Choa-Fagar nalaman ng aktres at si Roderick pa ang nagsabi sa kanya.

Nagulat si Maricel, pero sa mga sagot nito, mukhang hindi mahihirapan si Mr. Vic del Rosario na kumbinsihin siya dahil “game” ang sagot nito kay Roderick.

Sa dyaro lang nabasa ni Roderick na may sitcom sila ni Maricel na lalabas sa TV5. Nang tanungin ang manager niyang si Malou, hindi na nito sinabi sa kanya dahil alam na hindi niya magagawa dahil sa 2016 elections.

Kahit magkalapit ng bahay Katrina at Kris Lawrence hindi na nagpapakialaman

Uso ang extension ng Afternoon Prime ng GMA 7 dahil hindi lang ang The Half Sisters at Buena Familia ang extended, dahil extended din ang Destiny Rose. Dapat 20 weeks lang ang airing nito at hanggang end of January 2016 but as of last Wednesday, extended ito for six more weeks, kaya sa March 2016 na ang ending ng serye.

Biro ni Katrina Halili, ang pagbabalik-kontrabida niya ang isa sa mga rason kung bakit mataas ang rating ng soap dahil inabangan ng viewers. Isinama na rin ang husay gumanap na transwoman ni Ken Chan sa pagti-trending nila araw-araw.

Loveless nga pala si Katrina and after ng break-up nila ni Kris Lawrence, sa anak nilang si Katie na lang siya naka-focus. Aliw lang dahil kahit magkalapit sila ng bahay ni Kris ay wala na silang pakialam sa isa’t isa.

Kuya Germs 21 stars ang idadagdag sa Walk of Fame

Sa December 1, gagawin sa Eastwood ang taunang Walk of Fame ni German Moreno na nagbibigay pugay sa celebrities, lalo na ang mga taga-showbiz. May Kapamilya at Kapuso stars na kabilang sa 21 na isinama ni Kuya Germs sa listahan ngayon.

Kabilang sa listahan si Gabby Concepcion at ang ex nitong si Dindi Gallardo. Kasama rin sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola, Rocco Nacino, Sunshine Dizon, Enrique Gil, at Sam Concepcion.

Curious kami kung sabay-sabay na darating sina Alden Richards, Maine Mendoza, at Julie Anne San Jose dahil tiyak may hindi matutuwa.

vuukle comment

ALIGN

ANG

DAHIL

KRIS LAWRENCE

KUYA GERMS

LEFT

LOVI

MARICEL

QUOT

ROCCO NACINO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with