^

PSN Showbiz

Mas sweet sana kung siya ang nag-bake... Heart binili ang birthday cake ni Sen. Chiz

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Miriam kinaiinisan na, laging bumabangka sa mga kuwentuhan; Kris nadismaya sa kita ng Etiquette kaya natakot sa MMFF?!

SEEN: Kahapon ang 46th birthday ni Senator Francis Escudero at sinalubong niya ang kaarawan sa bahay nila ni Heart Evangelista na bumili ng strawberry cake para sa kanya.

SCENE: Ang reunion nina Brad Kane at Lea Salonga sa U.S. morning show na Good Morning America. After 23 years, muling nag-duet sina Brad at Lea, kinanta nila ang A Whole New World, ang hit theme song ng Disney movie na Aladdin.

SEEN: Hindi kinunan ng flight attendant ng Cebu Pacific  ng litrato si Alden Richards na natutulog habang sakay ng eroplano na naka-post na sa social media.

SCENE: Pabiba at madalas na bumabangka si Miriam Quiambao sa mga meeting na dinadaluhan kaya naaasiwa sa kanya ang mga kausap niya. Dapat maging sensitive si Miriam sa mga tao sa kanyang paligid.

SEEN: Ikinatuwa ng supporters ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang balita na hindi na matutuloy ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Kris Aquino dahil magiging ugat lamang ito ng kontrobersya. May conflict sa kandidatura ni Herbert ang aborted filmfest movie nila ni Kris.

SCENE: Marami ang nakapansin na nagdesisyon si Kris Aquino na huwag nang ituloy ang pelikula nila ni Herbert Bautista nang ipalabas sa mga sinehan ang Etiquette for Mistresses at nang malaman niya ang box-office result.

SEEN: Binigyan ng standing ovation ang cast ng Bituing Walang Ningning The Musical sa opening night nito sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila noong October 8. Due to popular demand, ibinalik ng Resorts World Manila at ng Viva Communications ang blockbuster musical play na unang itinanghal noong June 2015 hanggang July 2015.

SCENE: Si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang cover girl ng October 2015 issue ng isang glossy society magazine. Pinupuri ang ageless beauty ni Imee pero umaani rin ng mga batikos mula sa mga tao na nagsabi na biktima sila ng Martial Law rule ni ex-President Ferdinand Marcos, ang ama ng gobernadora.

vuukle comment

A WHOLE NEW WORLD

ALDEN RICHARDS

ANG

BITUING WALANG NINGNING THE MUSICAL

BRAD KANE

CEBU PACIFIC

GOOD MORNING AMERICA

HEART EVANGELISTA

KRIS AQUINO

RESORTS WORLD MANILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with