^

PSN Showbiz

Matteo uunahan si Sarah na mag-concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mauuna nang mag-concert si Matteo Guidicelli sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo dahil kung ang Pop Princess ay sa December 4 pa, si Matteo ay sa November 28 na ang concert at gaganapin sa Music Museum. Billed MG1, for sure na ang aaba­ngan ng fans ay kung manonood at sosorpresahin ni Sarah ang boyfriend at makipag-duet dito.

Nag-agree ang fans ni Matteo sa description ng manager nitong si Jojie Dingcong na “He is an actor and a real singer too...I mean real singer...I mean really, a real singer. The world will hear his music soon.”

May ginagawang album si Matteo under Star Records, hindi lang kami sure kung before his concert ang release nito o kung isasabay sa kanyang concert. Isa sa track ng album ang duet nina Matteo at Regine Velasquez-Alcasid ang Pangako.

Derrick susubukang mag-ala Alden

Mukhang si Derrick Monasterio na ang next na bini-build up ng GMA 7 at GMA Artist Center after Alden Richards dahil sunud-sunod na rin ang projects ng aktor. Si Derrick ang isinama kay Julie Anne San Jose na ipinadala sa Korea sa isang concert event at tuwang-tuwa ang aktor na makilala ang mga sikat na K-pop artists.

Si Derrick din ang napiling guest sa Miss World-Philippines na ang coronation night ay sa October 18. Siya ang maghaharana sa beauty contestants at si Derrick din ang ka­kanta ng theme song ng nasa­bing beauty pageant.

Heto pa, nabalitaan din namin na kasama si Derrick sa cast ng isang big project ng GMA 7 na remake ng isa sa pinakasikat na teleserye ng network.

Malaking tulong ito sa career ni Derek sakaling matuloy ang nasabing proyekto. Meron din umano itong album sa GMA Records at gagawing pelikula sa Regal Entertainment.

Ellen ibinuko ang planong pakasal ni Gwen?!

Bati na pala sina Ellen Adarna at Gwen Zamora dahil nag-post na sila ng picture na magkasama sa kani-kanilang Instagram (IG) accounts. Sa IG ni Ellen, may solo picture ni Gwen na pinaghahandaan si Ellen ng food na healthy daw.

Sa picture na magkasama sila at isa pang kaibigan, intri­guing ang caption ni Ellen na “Someone’s  getting married!!!” Ang dating nito sa mga na­­­ka­­basa ay malapit nang ikasal si Gwen dahil sa kanyang karelasyon.

Wala sa IG ni Gwen ang picture nila ni Ellen, pero sapat na sa kanilang fans na may picture silang magkasama at maayos na ang samahan nila.

Yaya Dub nag-feeling Hollywood star, nag-disguise nang manood ng concert

Naka-disguise si Yaya Dub sa episode kahapon ng Kalyeserye ng Eat Bulaga. Nilagyan ng brown make-up si Yaya Dub at pinagsuot ng salamin para hindi makilala ng ina nitong si Isadora.

Ganu’n din ang ayos ni Yaya Dub nang manood ng concert ng Lifehouse Band sa SM MOA Arena last Thursday evening. May mga natuwa sa effort niyang mag-disguise para hindi pagkaguluhan ng tao at hindi maka-distract sa concert.

Hindi lang maiwasan na may mga basher, hindi raw ito Hollywood star para mag-disguise at may mga mas sikat daw sa kanya na nanonood ng concert na hindi naman nagdi-disguise.

In fairness, personal na inimbita si Maine ng isa sa member ng Lifehouse para manood ng concert at nanghinayang ito na hindi sila nagkita after the concert.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CONCERT

GWEN

LEFT

MATTEO

QUOT

SHY

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with