^

PSN Showbiz

Nakainom daw kasi Enrique Gil nagwala sa eroplano, nasampal daw ni Liza

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumalat kahapon ang balitang nagwala umano si Enrique Gil sa loob ng eroplano nung papunta sila sa London kamakailan para sa ASAP Live in London.

Ayon sa kumalat na kuwento, nakainom umano ang young actor kaya nakainitan nito ang ilang young actors na kasama sa flight.

Panay daw kasi ang pangungulet ni Enrique sa ka-loveteam niyang si Liza Soberano pero hindi raw nito pinapansin at nang mainis daw si Liza ay pinatulan nito si Enrique na ikinaiinis ng actor. Magkatabi raw ang dalawa sa flight.

May ilang umaawat umano kay Enrique pero hindi ito nagpapigil kaya nakatikim daw siya ng sampal mula kay Liza.

True kaya ito? Anubeee Enrique?

Magsalita kaya ang actor tungkol dito?

Tiyak na sasagutin ito ni Enrique sa kanyang social media accounts.

Ito kaya ang rason kaya walang post ang dalawa ng kanilang trip sa London?

Kamakailan lang ay nagreklamo ang ilang malalapit kay Liza na sobra kung makabakod ang actor kay Liza at sobrang touchy pa.

Anne nalerky sa traffic, Dawn walang mahagilap na traffic enforcer sa Edsa

Hindi lang ang mga ordinaryong mamamayan ang umaray sa matinding trapik sa Metro Manila nitong Martes ng gabi kung hindi mga celebrity at pulitiko rin.

Kasama sa mga naipit sa matinding traffic nitong Martes ng gabi sila Anne Curtis, Lovi Poe, Allan K., Julie Anne San Jose, Paulo Avelino, Dawn Zulueta, Karen Davila, dating Sen. Dick Gordon at Sen. Chiz Escudero.

Walang magawa ang mga nabanggit kung hindi i-tweet ang kanilang pagkadismaya sa paghinto ng daloy ng sasakyan sa halos buong Metro Manila pagkatapos bumaha sa ilang lugar dulot ng matin­ding pag-ulan.

“Anyare??? 12:17am traffic??? Ano to?  Natatawa ako. Hihihihihi!!! Kaaaaaleeeeeerky!!!,” pabirong sabi ni Anne sa kaniyang Twitter account.

“12:40AM southbound EDSA – look at all those cars – as far as the eye can see!,” tweet naman ni Karen Davila.

Hinahanap naman ni Dawn Zulueta kung saan nagpunta ang mga traffic enforcer sa gitna ng matinding trapik sa EDSA.

Mahigit isang oras namang naipit sa traffic sa harap ng Megamall si Sen. Chiz Escudero na galing sa Makati. “Been stuck in traffic (complete standstill) along EDSA in front of Megamall (northbound) for the past 30 mins,” tweet ng mister ni Heart Evangelista na may kasama pang dalawang sad face na emoticon.

Ni-retweet pa ng senador ang isang picture ng kahabaan ng EDSA na nagmukhang isang malaking carpark.

So ano nga bang nangyayari sa ating bayan?

Dalawang oras lang ang ulan pero grabe agad ang baha at traffic hindi lang sa EDSA kundi sa maraming lugar sa Metro Manila.

Marami rin ang na-stranded na pasahero sa lansangan at halos madaling araw nang nakauwi na kailangan namang gumising ng maaga kinabukasan para sa panibagong pakikipagsapalaran sa traffic sa Metro Manila. #TrafficPaMore #BahaPaMore #NakakalokaNa.

Puwet at boobs ni Andrea, ipinasilip sa kanyang libro

Iniladlad ni Andrea Torres ang kanyang kaseksihan sa latest project niyang Andrea : Road Trip, isang photo book kung saan makikita ang sensual adventure ng seksing Kapuso actress na pinagkaguluhan ang mag-cover sa FHM magazine kamakailan.

Pero taob na taob daw sa ginawa niya sa FHM ang mga makikita ng readers sa Road Trip. Times 10 daw ha.

“Talagang pinag-isipan ang bawat lugar. Hindi masyadong halata sa cover pero gusto namin, pag hinawakan sa TV, kasi ‘yung sa FHM, tinatakpan eh. Sobrang sexy! At least  ito, puwede siyang ipakita sa TV kasi parang beauty shot lang ang cover,” kuwento ni Andrea sa ginanap na press announcement ng libro kahapon.

Mabibili naman ito sa mga magazine stand at bookstore simula sa September 12.

Hindi itinanggi ni Andrea na masisilip ang boobs at puwet niya sa ilang pahina ng libro.

Photographed by Jay Tablante, nangako si Andrea na magi-imagine ang readers ng libro niya kung paano na lang kung kasama   siya sa nasabing adventure.

Eh ang laki ng boobsie ni Andrea. Actually puwede sana siyang beauty queen, ‘yun nga lang nauna na siyang nagpa-sexy sa magazine.

Catch Andrea as she signs copies of Andrea: Road Trip at the Manila International Book Fair, SM Mall of Asia Complex, Pasay City on September 19 at 2:30pm.

Meanwhile, Andrea is currently part of GMA Network’s longest-running gag show Bubble Gang. Her first international project with Mikael Daez will be shown in Philippines soon.                                                                        

vuukle comment

ACIRC

ANDREA

ANG

CHIZ ESCUDERO

DAWN ZULUETA

ENRIQUE

HINDI

METRO MANILA

NBSP

ROAD TRIP

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with