^

PSN Showbiz

Matteo mas piniling ka-duet si Regine kaysa kay Sarah

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tinatapos ni Matteo Guidicelli ang kanyang al­bum na sila ng kanyang consultant/manager na si Jojie Dingcong ang producer at ire-release ng Star Records. Matteo Sings Love ang title ng eight-track album kasama ang duet nila ni Regine Velasquez-Alcasid ng kantang Pangako na composition ni Ogie Alcasid.

Sayang at hindi yata puwedeng mag-duet sina Matteo at Sarah Geronimo, hindi nila mapagbibig­yan ang ma­ra­ming request ng kanilang fans na kahit sa album man lang ng isa sa kanila ay may duet sila.

Hindi nabanggit ni Jojie kung kailan ang target release ng album ni Matteo, hindi nila minamadali ito dahil gusto nilang mapaganda nang husto. Alam din ni Jojie na marami ang naghihintay sa album ni Matteo at ayaw nilang mapahiya sa fans, kaya ginagandahan nila.

Alessandra natakot langawin ang album

Gumagawa ngayon ng second album si Ales­sandra de Rossi at sana this time, i-release na niya ito commercially dahil ‘yung isang track na napakinggan namin ay maganda. Hindi lang namin alam ang title ng kanta pero napansin namin na ang ginagamit na hashtag ni Alex ay #no2inthemaking na ang ibig sabihin yata ay second album.

Tinutulungan ng kanyang mga kaibigan si Alex sa kanyang bagong album gaya ni Marc Abaya na nag-guest dito. Si Glaiza de Castro naman ang siyang nag-live scoring ng music video at si Meryll Soriano ang nag-direk ng music video sa aming pagkakaintindi.

Naalala namin sa isang interview kung saan nag-suggest kami kay Alex na i-release niya commercially ang first album niya. Gusto namin ang version niya ng Sailing na original ni Christopher Cross, pati ang music video nito. Pero ayaw ni Alex dahil baka wala raw bumili.

Naikuwento raw ni Alex na ang isa niyang song ay magiging soundtrack ng isang pelikula na hindi naman binanggit kung ano. Malalaman na lang natin ito sa tamang panahon. Ha! Ha! Ha!

Samantala, muling mapapanood si Alex sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Maybe This Time kasama sina Camille Prats, Rochelle Pangilinan, Mark Anthony Fernandez at ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sa first Monday ng October na ang pilot nito at papalit sa The Half Sisters.

Louise idini-display na ang BF na bokalista ng Hale

Mukhang handa na si Louise delos Reyes na ilabas ang relasyon nila ng Hale vocalist na si Champ Lui Pio. Sa birthday party ng aktres noong September 1, isa sa mga bisita niya si Champ, magkatabi sila sa upuan at magkadikit pa.

Sa mga hindi pa nakakaalam ng relasyon nina Louise at Champ, nagulat sila kung bakit nasa birthday party ng aktres ang una. May nagtanong pa kung nagde-date ang dalawa. And in fairness, nang malamang sila na, marami ang natuwa para kay Louise.

After nga naman ng controversy sa lovelife niya na nagsimula sa break-up nila ni Enzo Pineda at pagkaka-link kay Aljur Abrenica, heto at masaya na uli siya sa bagong pag-ibig. Idag­dag pa na tumatakbo na uli ang career niya sa pagkakasama niya sa My Faithful Husband after 10 months na wala siyang regular soap at puro guesting ang ginawa.

Naalala namin na sa joint birthday party nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ay dumalo rin sina Louise at Champ at nakunan din ng litrato.

vuukle comment

ACIRC

ALBUM

ALEX

ALIGN

ANG

LEFT

MATTEO

NBSP

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with