^

PSN Showbiz

Bago inalok ng kasal si Pauleen Vic 27 years naging binata!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man uma­amin ang ve­te­ran singer-TV host-comedian-pro­du­cer na si Vic Sotto sa kanilang engagement ni Pauleen Luna ay matagal nang lumulutang ang mga ba­lita na malapit nang magpakasal ang da­la­wa.

Kilala si Vic sa pagiging tahimik lamang at parati itong naghihintay ng tamang panahon para aminin ang dapat niyang aminin tulad nang ma­ging sila ni Pauleen.

Thirty five years ang age gap nina Vic at Pauleen pero hindi ito hadlang sa kanilang pag-iibigan dahil ang mahalaga ay nagmamahalan at nagkakaunawaan na suportado ng kanilang respective families and friends in and out of showbiz.

Si Vic ay kasal dati sa kanyang unang misis na si Dina Bonnevie kung kanino siya may dalawang anak na sina Danica at Oyo Sotto na pareho na ring may kani-kanyang pamilya ngayon. Sampung taon tumagal ang pagsasama ng dating mag-asawa na ikinasal noong 1982 at nagkahiwalay noong 1992. Since then, kung kani-kaninong babae na-link si Vic na ang pinakamatagal ay kay Pia Guanio na kasamahan din niya sa Eat Bulaga tulad ni Pauleen. May sariling pamilya na si Pia ngayon.

Bukod kina Danica at Oyo ay may dalawa pang anak si Vic sa magkaibang babae – si Vico kay Coney Reyes at si Paulina kay Angela Luz.

Sa loob ng 27 years ay nanatiling bi­­na­ta si Vic at wala siyang pinakasalan among his previous girlfriends kaya so­bra umanong napakasuwerte ni Pauleen.

Samantala, sa lumabas na story dito sa PSN sinabi umano ni Pauleen na gusto umano nila ng simpleng kasalan na ang kanilang respective families, relatives and friends lamang ang makakadalo. Mangyari kaya ito considering sa stature ni Bossing Vic sa industriya at sa rami niyang mga kaibigan?

Abangan!

Paolo nakalugmok pa rin sa kanyang sex scandal

Tahimik pa rin hanggang ngayon ang career ni Paolo Bediones matapos itong ma-involve sa isang sex scandal na siyang nakasira sa kanyang napakagandang imahe sa publiko.

Although naka-move on na si Paolo since then, we have to admit na malaki pa rin ang naging epekto ng iskandalo na kanyang kinasangkutan sa kanyang career na siyang nag-suffer nang husto.

Pero kakaiba naman ang nangyari kay singer-comedian-TV host na si Wally Bayola na nasangkot din sa isang controversial sex video scandal in 2013. Sandali man siyang nawala sa limelight, muli siyang naka-bounce back sa ibinigay na panibagong pagkakataon ng Eat Bulaga.

Ang pagiging magaling na comedian-host ni Wally ay naging pasaporte niya para muli siyang makabalik at mahalin ng publiko.

Bukod sa AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala ngayon bilang si Yaya Dub, kinagigiliwan din ang iba’t ibang character na ginagampanan ni Wally lalo na ang kanyang role bilang si Lola Nidora, ang “kontrabida” sa pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub sa sinusubaybayang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang ironic dito, habang mil­yun-milyong ang pinasasaya at pinatatawa ni Wally bilang si Lola Nidora ay tahimik naman niyang inaako ang emotional burden para sa may sakit niyang anak na labas-masok ng pagamutan.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

LEFT

LOLA NIDORA

PAULEEN

QUOT

SHY

STRONG

VIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with