^

PSN Showbiz

Relasyon nina Pauleen at Vic, ninenega pa rin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Naisahan sa ginamit na cellphone... Benjamin kumalat sa Internet ang litrato ng manoy

PIK: Hindi pa makumpirma ni Vic Sotto kung kasali na nga ba sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni AiAi delas Alas na Romcom-in Mo Ako.

“Under negotiations pa kasi sa scheduling, marami pang dapat plantsahin. Hopefully, sana nga makakasama namin ni AiAi. I’m sure that would be more fun and talagang kilig pa more. Malalaman natin ‘yan sa tamang panahon,” nakangiting sagot sa amin ni Bossing Vic.

Sa September 18 daw ang first shooting day nila, at sa ngayon ay mga kaunting revisions pa raw sa script.

PAK: Bukod kina Derrick Monasterio at Elmo Ma­galona na kasama sa Centerfold ng Cosmo Bachelor Bash, rarampa rin daw si Benjamin Alvez na isa sa pinagnanasaan ng mga bading ngayon.

Kumalat kasi sa ilang blogs ang litratong kita ang private part niya na kuha nang rumampa ito kung saan kinunan niya ang nasa loob ng kanyang suot na pantalon.

Hindi alam ni Benjamin na naka-video pala ang phone na ginamit niya kaya kita ang buong pagkalalaki niya.

In fairness naman, hindi naman daw nakakahiya at dapat pa ngang maging proud si Benjamin dahil sa bonggang kargada niya.

Malamang na magiging maingat na si Benjamin ngayon.

BOOM: Pagkatapos i-post ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ang kuha ng kamay niyang suot ang engagement ring, inulan siya ng pagbati mula sa kanyang followers.

Pero may mangilan-ngilan pa ring nagni-nega at kung anu-anong pamba-bash ang sinasabi laban sa magkasintahan.

Hindi na lang ito pinapansin ng actress/TV host.

Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit mas gusto nilang manahimik at hindi na muna ipagsabi ang kanilang engagement. Mas ini-enjoy na lang daw nila ngayon ang moment na sila lang, at hindi na kailangang pagpiyestahan ng lahat.

Nataon lang na nagkaroon ng presscon si Vic Sotto at hindi naman daw siya puwedeng tumanggi.

Kaya ayaw na lang sana magsalita ni Pauleen.

Hindi na niya ikinuwento sa amin ang detalye ng proposal. Ang sabi lang niya sa amin, simple lang daw at walang drama.            

Ayaw rin kaming sagutin ni Pauleen sa nabalitaan naming kasabay ng singsing na bigay ni Bos­sing Vic, may isa pa raw na bonggang iniregalo sa kanya. Natawa lang si Pauleen at ayaw talaga ka­ming sagutin.

Totoong wala pa raw talaga silang napag-usapan ni Bossing Vic kung kailan at kung saan gagawin ang wedding. “Pagbalik ko na lang galing U.S. doon pa namin aayusin,” sagot sa amin ni Pauleen nang sandaling nakatsikahan namin sa airport.

Sabi nga niya sa kanyang Instagram account; “In God’s perfect time.”

Sabi naman ni Bossing Vic, “Sa tamang panahon.”

Two weeks pa sa Amerika si Pauleen kung saan dadalo ito sa kasal ng kanyang pinsan. Hindi raw totoong susundan siya roon ni Bossing Vic.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BOSSING VIC

HINDI

LANG

NBSP

NIYA

PAULEEN

STRONG

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with