^

PSN Showbiz

‘Luz Valdez’ na aktres ginagamit ang dyowang TV exec para makabalik sa showbiz?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan meets the original Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro.

Tatapatan ni Michael mamayang gabi ang charm ni Hajji sa concert niyang Kilabot meets Kilabot sa Teatrino.

Sold out na nga ang tickets, kaya inaasahang jampacked mamayang gabi ang pagtatapat nilang dalawa.

Si Michael ang nagpasikat ng awiting Pare Mahal Mo Ba Ako na ginawa na ring pelikula na tinatampukan din niya.

PAK: Sa presscon ng pelikulang Heneral Luna, ipinagtanggol ni Joem Bascon si Angelica Panganiban na nakitaan ng kagaspangan ng ugali dahil sa mga ipinu-post nito sa kanyang Instagram account.

Nakapagmura kasi si Angelica sa mga basher niya sa kanyang IG account.

Sabi ni Joem, masaya lang daw sila at napakakalog daw ni Angelica sa taping ng Pangako sa ‘Yo.

“Palabiro naman talaga siya, ever since naman nung nakilala ko pa siya,” pagsalarawan ni Joem kay Angelica.

Nangungulit lang daw minsan kapag bagot na sila sa taping, pero never daw niyang naringgan na nagmumura ito.

“Naglolokohan lang kami sa set lagi. Nakakapagbiro lang minsan lalo na siya segue lagi, everyday nagti-taping, pagod din,” pagtatanggol pa ni Joem kay Angelica.

Hindi raw niya alam ang isyu ng Kapamilya actress sa bashers nito, pero pagdating sa isyung pagmumura, never daw niya itong naringgan.

BOOM: ‘Epal’ ang tawag sa bagitong TV executive na kapos ang kaalaman sa TV production.

Iyon ang tawag ng karamihang talent managers at mga taga-TV sa TV executive dahil sa hilig nitong mag-power tripping. Wala naman daw silang magagawa dahil may kapangyarihan ito. Pero ang the height pa sa TV executive, pati raw ang dyowa-dyowaan nito na isang ‘di na gaanong active na aktres ay nakikisabay sa pagiging epal.

Pinag-iinitan daw nitong not-so-active actress ang programang hinu-host  ng tatlong wholesome at masasayang misis na gusto niyang palitan.

Type raw niyang siya na ang mag-host nitong lifestyle show kasama ang mga kaibigan niyang ‘di naman gaanong wholesome celebrity moms.

Natutulala na lang daw ang production staff ng programa dahil iyon daw ang balak baguhin ni TV executive para mapagbigyan ang dyowa-dyowaang gusto na sigurong bumalik sa showbiz.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG KILABOT

ANGELICA PANGANIBAN

DAW

HAJJI ALEJANDRO

JOEM

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with