^

PSN Showbiz

Vina naghahanap pa rin ng lalaking magpapaligaya

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Inamin ni Vina Morales sa isang previous interview na nakikipag-date na siyang muli at kung sa paraang ito ay ma-meet niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay ay wala siyang hindi ibibigay kahit ang kanyang matagumpay na career. Pero nun pa ito, nung wala pang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, baka kasi nag-iba na ang paniniwala niya ngayon?

“Hindi naman, I still go out on dates, pero nothing serious at hindi exclusive. Six years na akong single and somehow, naging choosy na ako. Dapat matanggap niya na ang priority ko ay ang daughter ko. Dapat gawin niyang priority kaming dalawa. Hindi man naghahanap ng father figure ang anak ko, pero gustung-gusto na niyang magkaro’n ng kapatid,” sabi ni Vina.

GMA mali ng diskarte sa Sunday PinaSaya at Wowowin?!

Hindi kaya dapat ginawang pre-programming ng GMA ng bago nilang programang Sunday PinaSaya ang Wowowin kaysa the other way around? Napakalaki na kasi ng following ng programa ni Willie na makakatulong para magkaro’n ng malaking poste ng manonood ang Sunday PinaSaya. At dapat mahawakan nila ang mga manonood sa unang palabas ng Sunaday PinaSaya na siguradong tututok, if only to find out kung ano ang maiaalok nitong panoorin at kung makakasabay ba ito sa palabas ng kalabang istasyon na ASAP. Abangan sa August 9.

Serye nina James at Nadine kaabang-abang na!

Mukhang may malaking pramis ang On the Wings of Love ng tambalang JaDine (James Reid- Nadine Lustre) base sa kanilang trailer na malapit nang mapanood sa ABS-CBN. Nagbabadya ito ng isang masaya at magandang panoorin na siguradong kasasabikan hindi lamang ng mga tagasubaybay ng loveteam kundi maging ng mga ordinaryong manonood sa TV.

AiAi ibinuko na magsyota na sina Ruru at Gabbi

Napakarami na ng tagahanga ng Kapuso loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Biruin n’yo ba naman, nang mag-perform sila noong Grand Fans Day sa MOA Arena ay walang tigil sa kahihiyaw ang mga Kapusong nagsidalo. Lalo pang tumindi ang hiyawan at tumayo pa ang karamihan nang mag-share pa ang dalawa sa iisang microphone habang kinakanta ang theme song ng kanilang primetime series, ang Let The Love Begin. Ang nakakatawa pa, binuking sila ni AiAi delas Alas na kasama nila halos araw-araw.

“‘Yang dalawang ‘yan, mag-syota na ‘yan eh. Nakikita ko sila nag-aakapan eh,” pabirong sinabi ng Philippine Comedy Queen. How true kaya ang revelation ni AiAi?

Paano na ‘yan Jennylyn? Dennis ayaw pa raw ‘patali’

Kung aayain ng sinumang babae ngayon si Dennis Trillo ng marriage ay siguradong tatanggi ito.

“Hindi pa ngayon, wala naman akong itinakdang panahon para rito, kung kailan ko maramdaman, dun ko gagawin. Sa ngayon focus muna ako sa trabaho, mas maraming nangangailangan ng atensyon ko,” paliwanag niya.

Samantala, pilit pa ring itinatanggi ni Jennylyn Mercado na lumampas na sa hangganan ng friendship ang relasyon nila ng aktor.

“Matagal na kaming friends, way way before pa bago dumating ang offer sa amin ng GMA. Kung hindi ay baka hindi ko tinanggap ang project. Mahirap makatrabaho ang isang ‘di mo kabati, pero more than friends ay hindi pa siguro, maraming bagay pa kaming dapat ilagay sa ayos,” paliwanag ng aktres na ngayon ay gustong gawing private kung anuman ang namamagitan sa kanila ng katrabaho niyang aktor.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAPAT

DENNIS TRILLO

GABBI GARCIA

GRAND FANS DAY

HINDI

JAMES REID

NBSP

PINAYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with