^

PSN Showbiz

Jennylyn panay ang rampa sa condo ni Dennis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Namimili na raw ngayon si Willie Revillame ng magiging co-host niya pero wala pa siyang masasabi kung sino ang makakasama niya.

Ang isa lang sa namataan naming nag-try na mag-co host sa Wowowin ay ang kapatid ni Isabelle Daza na si Ava. Pero wala pang kinukumpirma kung sino na ang kukuning co-host.

PAK: Apat na oras na late si Mark Anthony Fernandez sa presscon nung kamakalawa ng hapon para sa pelikula niyang Manila’s Finest na pinagsasamahan nila ni Jeric Raval at idinirek ni William Mayo.

Galing kasi siya ng Clark sa Pampanga kung saan siya nakatira. Inabot siya ng matinding traffic dahil sa malakas na ulan nung nakaraang Sabado ng hapon.

Doon na raw siya nakatira sa Clark dahil taga-Pampanga pala ang model-girlfriend niyang si Diana.

Ayaw sabihin ni Mark ang buong pangalan ng girlfriend, basta si Diana raw ito.

Hindi naman daw sila nagli-live in pero baka malapit na raw. Boto naman daw sa kanya ang pamilya ng kanyang kasintahan.

Mahigit sampung taon ang tanda ni Mark sa bago niyang karelasyon pero napaka-positive daw ng impluwensya nito sa kanya.

Malaki raw ang nagawa ni Diana para magbago siya at mag-focus sa trabaho.

“Mas ano ako ngayon…ayoko nang tumingin sa nakalipas ko dati. Mas gusto ko nang magpakabuti na lang, magpaka-mature. Magtrabaho na kumbaga,” seryosong pahayag ni Mark.

Alam naman daw ng dati niyang asawang si Melissa ang tungkol sa bagong karelasyon, at nilinaw nitong hindi raw ito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Dagdag pa niya, bilang respeto na rin daw kay Melissa, gusto niyang maayos na rin ang kanilang annulment.

BOOM: Matagal bago nakasagot sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang kinlaro namin sa kanila ang nakarating na kuwento sa aming pumupunta raw si Jennylyn sa condo unit ni Dennis.

Tinanong namin sila sa presscon ng bagong drama series nilang My Faithful Husband na magsisimula na sa GMA Telebabad sa August 10.

Sabi lang ni Dennis; “Lumalabas kami at siyempre minsan sinusundo ko siya para alis kami. Minsan naman siya ang pumupunta sa akin, sunduin niya ako.

“Normal lang ‘yun. Huwag na nating gawing big deal ‘yun.”

Saad naman ni Jennylyn; “’Di ba sabi ko noon, ayaw namin ng distraction, basta kung ano mang meron sa amin, ayaw na naming guluhin ‘yun. Kumbaga, personal stuff na ano na namin ‘yun.”

Dugtong pa ni Dennis; “Hindi naman lahat kailangan sabihin ‘di ba? Merong mga ibang bagay na iniiwan na lang namin para sa amin.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENNIS TRILLO

ISABELLE DAZA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JERIC RAVAL

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MY FAITHFUL HUSBAND

PAMPANGA

RAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with