^

PSN Showbiz

Erich at Daniel hinuhulaang magkakasawaan din?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi na mahihirapan ang ABS-CBN na ibenta ang love­team nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga dahil super sweet pa rin sila in real life maging sa kanilang respective social site accounts.

Ang tambalang Erich at Daniel ay unang nakita ng mga manonood sa nagtapos na ser­yeng Two Wives pero mas lalo umano silang mamahalin ang  tambalan sa bago nilang serye na sila mismo ang mga pa­ngunahing bituin, ang Be My Lady na malapit nang matunghayan.

Dahil sa pagiging super in love ngayon nina Erich at Daniel, natatakot tuloy ang iba na baka magkaroon ng sawa factor ang kanilang bagong relasyon at ito’y mauwi sa hiwalayan.

Mga anak ni Jose Mari Chan nagpapaka-showbiz na

Bihirang lumabas sa telebisyon ang mga anak ng music icon na si Jose Mari Chan.  Last Friday evening sa taping ng long-running late night show na Walang Tulugan with the Master Showman ay naging panauhin naming sa Celebrity Talk segment ng programa ang dalawa sa mga anak ng hitmaker-composer at businessman na si Jose Mari Chan na sina Jose Antonio at Michael Philip na tulad ng kanilang sikat na ama ay pareho ring talented singers-composers.

Gaano man kayaman ang kanilang pamilya, never na naging spoiled ang mga anak ni Jose Mari Chan at minana ng mga ito ang pagiging musical genius ng kanilang ama.

Never ding pinangarap ng Chan brothers na maa-outdo nila ang kanilang ama in terms of his achievements in life.

“We’re so proud of our dad.  His achievements are more than enough inspirations for us his children,” ani Joe (Jose Antonio) na maraming mga kababaihan at mga gays sa studio ng Walang Tulungan ang kinilig.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE MY LADY

CELEBRITY TALK

DANIEL MATSUNAGA

ERICH

ERICH GONZALES

JOSE ANTONIO

JOSE MARI CHAN

LAST FRIDAY

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with