^

PSN Showbiz

Love is lovelier the second time around Dennis at Jennylyn mas maligaya ngayon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

“What you see is what you get” ang  sagot ni Dennis Trillo sa mga nangungulit tungkol sa level ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Ayaw ni Dennis na kumpirmahin na nagkabalikan sila ni Jennylyn dahil ayaw na nila na maulit ang nangyari noon sa kanilang love affair.

Pero kitang-kita naman sa mga kilos nila na in-love sila sa isa’t isa. Obvious na natuto na sina Jennylyn at Dennis sa nakaraan kaya mas gusto nila na maging private ang kanilang relasyon. Tama na ang sinabi ni Dennis sa presscon ng My Faithful Husband na love is lovelier the second time around.

Sa totoo lang, bagay na bagay sina Dennis at Jennylyn dahil pareho sila na passionate magmahal.

So what kung nagsalita noon si Dennis nang tapos na wala siyang binabalikan sa kanyang mga ex-girlfriend?

Puwede naman na magbago ang isip ng isang tao kapag nag-mature na ito at ma-realize niya na maligaya siya sa piling ng kanyang ex-dyowa.

Hindi isolated ang kaso ng love affair nina Dennis at Jennylyn. May ex-lovers na naghiwalay at nagkabalikan kahit tanungin n’yo pa sina Luis Manzano at Angel Locsin, Rosemarie Gil at Eddie Mesa, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

AiAi pinagtatawanan ang maling interpretation sa kanyang joke

Nagtataka ako dahil iba ang interpretation ng ibang mga tao sa biro ni AiAi delas Alas na hindi ito kasali sa Most Beautiful List ng Yes! magazine kaya siya ang Most Beautiful ng kanyang commemorative magazine na Ai Love You.

Malinaw na malinaw na nagbibiro si AiAi pero sineryoso ng mga hater at basher na mas pinagana ang kakitiran ng isip.

Binigyan nila ng malisya ang pralala ni AiAi at binatikos ang Comedy Concert Queen.

Affected ba si AiAi? Of course not! Baka nga lalong natawa siya dahil mali na naman ang pagkakaintindi sa kanyang biro na hindi dapat seryosohin.

Christopher at Sandy, may bagong apo na sa New Zealand!

Congrats kina Sandy Andolong at Christopher de Leon dahil sa bagong apo nila na isang cute baby girl.

Dalawa na ang apo nina Sandy at Boyet dahil isinilang noong July 30 si Amelia Santina aka Miette, ang anak ng kanilang panganay na si Rafael Sandino at sa misis nito na si Aerika.

Ipinanganak ang baby daughter nina Rafael at Aerika sa New Zealand.

Excited na sina Sandy at Boyet na makita nang personal si Miette pero baka matagalan pa ito dahil nagpapagaling pa si Sandy mula sa kidney transplant surgery.

Birthday ni Kuya Ron sasabayan ng announcement ni Grace!

Buwan na ng Agosto at ilang araw na lang, birth anniversary na ni Fernando Poe, Jr. sa August 20.

Nakaabang ang lahat sa pagsapit ng August 20 dahil diumano, ito ang araw na idedeklara nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero ang kanilang mga kandidatura bilang president at vice-president, respectively.

Nauna nang mag-announce si DILG Secretary Mar Roxas noong Biyernes kaya expected na susunod na sina Mama Grace at Papa Chiz.

Maingay na maingay na ang date na August 20 na kaarawan ng kanyang ama ang pinili ni Mama Grace para sa announcement ng kandidatura nila ni Papa Chiz na very close din kay Kuya Ron.

Pero bago pa sila magdeklara ng kanilang mga candidacy, nauna na ang announcement ng  Poe-Escudero tandem nina Lovi at Heart, ang lead stars ng Beautiful Strangers dahil wala nang  makapipigil pa sa airing sa August 10 ng teleserye nila sa GMA-7.

vuukle comment

AERIKA

AI LOVE YOU

AMELIA SANTINA

ANG

DAHIL

JENNYLYN

KUYA RON

MAMA GRACE

NEW ZEALAND

NILA

PAPA CHIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with