^

PSN Showbiz

Kaya umayaw na sa Batangas, AiAi sa Amerika gustong kumandidato!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nagda-diet si AiAi delas Alas. Lahat nang gusto niya, kinakain na niya.

Kung noon hindi siya tumitikim ng karneng baboy at strict ang sinusunod niyang diet kahit regular ang pagbisita sa gym, ngayon hindi na. “Dapat i-enjoy mo na lang. Lahat puwede na ngayon. Kelan ka pa kakain pag matanda ka na?” tanong na kuwento ni AiAi kahapon sa pinatawag niyang tsikahan sa International Buffet restaurant sa Commonwealth Avenue.

Hindi na rin siya gaanong nagwo-work out pero babalik daw siya.

Consistent din si AiAi na hindi pag-usapan ang lovelife niya although common knowledge naman ang kaligayahan niya sa piling ng BF niyang bagets.

Samantala, nakatakdang maglabas ng commemorative magazine ang comedy queen para sa kanyang 25th anniversary sa showbiz. Ai Lab Yu ang pamagat at may limang issues – form August to December.

At siyempre, tungkol lahat sa mga nangyari sa 25 years niya sa showbiz ang magiging laman ng magazine.

Magpo-produce din si AiAi ng inspirational concert na gaganapin sa MOA Arena. Producer siya dito at guest lang.

Mga pari ang main attractions sa concert titled For the Love of Mama Mary na gaganapin sa October 27. Pero marami namang mga guest na singer kaya magiging star studded din ito.

“Hopefully, maka-raise kami ng pera para sa pagpapalaki ng simbahan ng Kristong Hari sa Commonwealth,” balita niya AiAi.

At dahil ending na ang Let The Love Begin, ang unang series niya as Kapuso, apat na concept ang ipi-pitch nila sa GMA para sa next show niya. Although starting next week, eere na ang programang PinaSaya na papalit Sunday All Stars. Kasama sa show ang kakambal niyang si Marian Rivera.

Kaya lang nagulat na lang si AiAi dahil naiba na ang takbo ng kuwento ng Let the Love Begin. Naging sobrang dark na at na-focus na sa kasamaan kay Donita. “Medyo nanibago lang ako, pero ok na rin,” pahayag ng comedy queen.

Ibinalita rin nga pala niya na maayos na ang kalagayan ni Jiro Manio as in tumatawa na uli ito. Nagpaputol na rin daw ng kuko at madalas na nag-e-exercise ang dating batang aktor. “So maraming magagandang signs. Saka tumawa siya. First time ko siyang nakitang tumawa. Sabi ko sa kanya, ‘O, ‘Nak, ha. Kailangang piktyuran kita kasi lumabas sa Face Book na patay ka na!’ Tumawa siya! ‘talaga? May ganoon?’ Kasi nu’ng una ko siyang kinuhaan, ayaw niyang magpa-picture!” k­uwento pa ni Ai.

At nang tanungin siya kung bakit naudlot ang plano niyang kumandidato sa Batangas, pabiro ang sagot ni AiAi. “Sa Amerika ko gustong kumandidato. Gusto kung makalaban si Hillary Clinton, hahahaha.”

NBA superstar na si Stephen Curry ‘sinusundan’ na rin si Daniel!

Wow. Ang NBA Most Valuable Player lang naman na si Stephen Curry ang isa sa mga karagdagang followers ni Daniel Padilla sa Twitter.

Yup. Kahapon ay pinost niya sa kanyang @iamdanielpadilla account ang reaction nang makita niyang nag-follow ito sa kanya. “OMG” lang ang nasabi ni Daniel.

Pero ang nanay niyang si Karla Estrada ang nagbubunyi at masayang-masaya sa pag-follow ng basketball superstar sa kanyang anak. At nagpasalamat pa si Karla kay Stephen Curry na in fairness ay mas marami ang followers ni Daniel, 4 million, samantalang si Curry ay 2.77 million.

Collector ng Under Armour Curry 1 ang actor na ilang days ago ay nakitang naka-upload sa Instagram ang mga sapatos sa harap ni Daniel.

                                         

vuukle comment

ACIRC

AI LAB YU

AIAI

ANG

COMMONWEALTH AVENUE

DANIEL PADILLA

NBSP

NIYA

NIYANG

STEPHEN CURRY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with