^

PSN Showbiz

Dahil sa kalampahan, Bea dalawang beses namiligro ang buhay sa bangka

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Parang ganun lang kung titingnan natin ang bagong pelikula na ipalalabas ng Star Cinema at nagtatampok kina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Bea Alonzo na The Love Affair. Parang isang simpleng love story lang ito, pero muntik na palang magbuwis ng buhay si Bea habang ginagawa ito. Una ay nung tumaob ang bangkang sinasakyan niya ng dalawang beses. Kinaila­ngan siyang dalhin sa emergency room ng isang os­pital para masiguro na wala siyang ga­anong pinsala. Naulit ito nang bumagok naman ang kanyang ulo sa isang bahagi ng bangka na kanilang sinasakyan.

Hindi nagtataka ang aktres na mangyari sa kanya ang mga ganitong aksidente kahit pa mga 10 araw siyang nag-training para matuto ng sailing o pamamangka.

“Hindi kasi ako athletic. Medyo mahina ako pagdating sa mga ganitong bagay, lalampa-lampa pa kasi ako at hindi sanay bumalanse sa isang sasakyang pangtubig. At nang mangyari ang aksidente ko ay hindi ko kasama si Richard. Kung andun siya, baka naiwasan ang mga ganung pangyayari dahil siguradong aalalayan niya ako dahil siya naman ‘yung athletic at sanay sa tubig. Ganun siya ka-gentleman,” pag-amin ng Kapamilya actress na hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang role ng isang kabit o mistress.

“Pero mga kinikilalang artista ang dalawang makakasama ko. Paano ako tatanggi? Iba ito sa unang mo­vie ko na mistress din ako. Hindi naman ako nagkamali dahil madali silang katrabaho at napaka-generous pa sa pagsi-share ng kanilang talent,” ani Bea.

Ang The Love Affair ay nasa direksyon ni Nuel Naval na isang kilalang pangalan sa mga episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan marami nang award winning series ang idinirek niya.

Ang The Love Affair ay tungkol sa tatlong magkakaibang tao na pinagbubuklod lamang ng kanilang paniniwala sa pag-ibig. Si Patricia (Dawn) ay isang ginang na umaasam ng kapatawaran mula sa kanyang asawa (Richard) sa isang malaking kasalanan niyang ginawa. Si Vince (Ri­chard) naman ay naniniwalang ang kakulangan niya bilang asawa ang nagtulak para magkasala sa kanya si Patricia. At si Adie (Bea) ay naghahanap lamang ng kaligayahan matapos iwan ng lalaking minamahal niya. Magsasanga ang kanilang mga buhay sa kanilang paghahanap ng pinagmulan ng kanilang mga paghihirap. Sapat na dahilan ba ang mga paghihirap nila para manakit din ng iba?

Yaya Dub laging hinahanap kay Alden

Umugong ang hiyawan sa SM MOA Arena nung Grand Fans Day ng GMA nang mabanggit ang pangalan ni Yaya Dub habang nagsasayaw si Al­den Richards kasama ang isang grupo. Aba, at malaki na pala ang fan base ng Culinary Arts gra­duate na wala namang ginagawa sa Eat Bulaga kundi ang sumayaw nang walang humpay at hindi maa­ring tumigil habang sige pa ang tugtog ng sinasa­yawan niya. Sayang at wala siya sa MOA Arena. Sina Julia Clarete lamang at Anjo Yllana ang nag-represent sa Eat Bulaga sa selebrasyon ng ika-65 anibersaryo ng GMA.

Daniel dapat gayahin ang style ni P-Noy sa pagyo-yosi

Para hindi na malagay sa alanganin si Daniel Padilla, dapat huwag na niyang balikan ang isyu ng kanyang paninigarilyo. Tapos na ‘yun. Nangyari na ‘yun at isa lamang ‘yung bisyo na ipangako niyang tatalikdan kahit mahirap. ‘Di ba si P-Noy ganun din naman? Hindi naiwasan ang kanyang paninigarilyo, pero umiwas na lamang siya na gawin ito in public.

Pero kung talagang gusto niyang maging ma­gandang halimbawa, huwag na siyang manigarilyo nakalantad man o patago.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

EAT BULAGA

HINDI

ISANG

LOVE AFFAIR

MGA

NBSP

SHY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with