^

PSN Showbiz

Ang dami naman niyang biyaya, Kris hindi na dapat sinusumbat ang kawalan ng sustento nina James at Phillip

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama na sana at huwag nang pahabain pa ni Kris Aquino ang kawalan ng sustento ng mga ama ng kanyang mga anak na sina Jo­shua at Bimby Aquino. Sabi nga niya, binigyan siya ng Diyos ng magandang pagkakataon to raise them single-han­dedly. Kaya mag-thank you na lang siya na kahit mag-isa siya ay napalaki niya sila nang maayos at maalwan.

Kayo ring mga ama ng dalawang bata, kung totoo ang sinabi ni Kris, huwag na kayong umal­ma. Magpasalamat na lang kayo na hindi n’yo prinoblema ang mga anak n’yo kay Kris.

Valeen mas pinagkakatiwalaan kaysa ibang Kapuso artists?!

Tanong ng kaibigan at kasamahan kong kolumnistang si Veronica Samio, nasa GMA na rin daw ba si Valeen Monteneg­ro na kasama sa Sunday PinaSaya? Umalis na ba ito sa TV5 o ipinahiram lang sa GMA? Kung nanghihiram ang Kapuso Network, bakit kinakailangan pa, eh ang daming bakanteng Kapuso artists? Just as­king lang daw siya.

Kris mukhang may sakit na, kailangan magdagdag ng laman

Bakit nga ba ang payat-payat ni Kris Bernal? Sinasadya niya ba ito? Eh huwag naman dahil nagmumukha na siyang anorexic. Nasasa­yang ang magandang mukha niya. Kailangang magdag­dag siya ng kaunti pang timbang para hindi siya magmukhang may sakit.

‘Wala akong ibang tahanan kundi ang Kapuso’

Hindi naman isang napakalaking effort ang ginawa kong pagpunta sa SM MOA Arena para sa Grand Fans Day ng GMA at celebration ng aming 65th anniversary. Hind ko naman maisip kung mawawala ako sa selebrasyon. Wala akong alam na home outside of my home kundi ang GMA. Kaya mabuhay tayong lahat.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIMBY AQUINO

GRAND FANS DAY

KAPUSO

KAPUSO NETWORK

KAYA

KRIS AQUINO

KRIS BERNAL

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with