^

PSN Showbiz

Sen. Nancy bigo sa ‘pagpapapansin’, gown sa SONA ni P-Noy boring!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nilagyan ng malisya ang pagsusuot kahapon ni Ted Failon ng black T-shirt na may tatak na “Sinungaling” sa live broadcast ng programa niya sa dzMM. Isinabay ni Ted ang pagsusuot ng Sinungaling T-shirt sa SONA ni P-Noy.

SCENE: Magwawakas sa Biyernes ang The Rich Man’s Daughter at papalitan ito ng My Faithful Husband, ang primetime teleserye nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

SEEN: Ang anak ni AiAi delas Alas na si Sancho Vito at ang ilan sa mga mainstay ng Walang Tulugan with the Master Showman ang mga member ng Star Squad, ang grupo ng mga baguhang artista na ibi-build up ng GMA 7.

SCENE: Binuhay uli ni Kris Aquino ang isyu ng hindi pagbibigay ng sustento nina Phillip Salvador at James Yap sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby Aquino.

SEEN: Umiral ang pagiging sawsawera ng buntis na si Bianca Gonzalez sa mga nagprotesta kahapon sa SONA ni P-Noy: “Di kailangan ibagsak ng protesters ang barriers. Umulan, umaraw, malapit o malayo, ico-cover pa din ng media ang mga hinaing nila.”

SCENE: Naipit kahapon si Dawn Zulueta ng matinding trapik sa Commonwealth Avenue habang papunta siya sa Batasang Pambansa para sa huling SONA ni P-Noy. Dumalo si Dawn sa presscon ng The Love Affair pagkatapos ng SONA ni P-Noy.

SEEN: Nahinto ang dance number ni Iya Villania sa fans day ng GMA 7 noong Linggo sa Mall of Asia Arena dahil nagkaroon ng technical problem habang sumasayaw siya ng Twerk It Like Miley.

SCENE: Hindi gumawa ng ingay ang SONA gown ni Senator Nancy Binay dahil boring ang Filipiniana dress na ginawa para sa kanya ng fashion designer na si Randy Ortiz. Nabigo si Binay sa kanyang pangarap na mas pag-usapan ang damit niya kesa SONA ni P-Noy.

vuukle comment

ANG

BATASANG PAMBANSA

BIANCA GONZALEZ

BIMBY AQUINO

COMMONWEALTH AVENUE

DAWN ZULUETA

DENNIS TRILLO

IYA VILLANIA

JAMES YAP

P-NOY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with