^

PSN Showbiz

Female personality nabukong sawsawan ng bayan ng mga dating kaklase

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kuwento ang mga kababata-kaklase ng isang babaeng personalidad na kilala ngayon. Dati na palang sutil ang female personality. Pang-showbiz na raw talaga ang kanyang ugali nu’n pa man.

Mahilig din siya sa cutting classes, niyayaya niya ang kanyang mga kaibigan para maggala sa mall, siya ang palaging pasimuno.

At kapag meron siyang natipuhang lalaki ay pasensiya na lang ang kanyang masasagasaan, wala itong magagawa kundi ang mag-iiyak na lang, dahil dati nang mapang-agaw ng karelasyon ang female personality.

Kuwento ng isang dating kaeskuwela ng female personality, “Hindi naman siya maganda nu’n. Maputi na siya, pero hindi siya ganyan kakinis. Tamang-tama lang. May mga ipinabago na rin siya sa mukha niya, marami na, kaya hindi na siya ang dating kaklase namin.

“Sakit ng ulo ng teacher ang babaeng ‘yun! Mahilig kasi siyang mag-cutting classes, nangdadamay pa siya ng iba, kaya maraming parents ang nagagalit sa kanya nu’n.

“Saka balewala lang sa kanya ang pakikipagrelasyon, para lang siyang nagbibihis kung magpalit ng boyfriend, kaya nga patis ang tawag nu’n sa kanya sa school. Sawsawan ng bayan,” diretsong kuwento ng impormante.

Nagkagulatan na lang ang magkakaklase dahil artista na pala ang kanilang kababata. Nagbago na ang itsura, napaka-sexy na, super-kinis pa.

“Palagi siyang nasusulat sa pagpapalit-palit ng karelasyon, pero hindi na bago ‘yun para sa amin, dati na naman siyang playgirl. Basta type niya, sige lang siya nang sige.

“Hindi na nakagugulat ‘yun, ang pagkakaiba nga lang ngayon, e, may talent fee na ang mga pinaggagagawa niya. ‘Di ba, siya ‘yung palaging naba-blind item na pumapatol sa mga D.O.M.? Kaya pala yumaman siya,” napapailing na kuwento pa ng source.

Ubos!

Precy Ejercito hindi na gaanong nadadalaw si Sen. Jinggoy, tinututukan ang nanay na inatake

Hindi gaanong nakadadalaw ngayon sa PNP Custodial Center si Precy Ejercito. Kumpleto ang kanilang mga anak ni Senador Jinggoy Estrada, pero mas madalas na wala si Precy, dahil siya ang nagbabantay sa kanyang mommy na na-stroke kamakailan.

“Natatakot siyang umalis sa tabi ng mommy niya dahil nu’ng minsang umalis lang siya sandali para makapunta dito, e, inatake naman ang mommy niya,” kuwento ni Senador Jinggoy.

Unang matinding pagkakasakit ito ng ina ni Precy, diabetic ito at taas-baba ang presyon ng dugo, pero inatake pa ngayon sa puso.

Si Precy na ang tumatayong ama ng kanilang pamilya, siya ang nagdede­sisyon, siya ang nakatutok talaga sa kalagayan ng kanyang ina.

Salamat naman at pinayagan si Senador Jinggoy na madalaw ang kanyang biyenan, halinhinan lang sila ngayon ni Senador Bong Revilla na may pinagdadaanan, maayos na ang sitwasyon ngayon ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. pero ang ina ni Precy ang tinututukan pa sa ICU ang kundisyon.

Si Konsehala Janella naman ang namamahala ngayon sa kanyang mga kapatid dahil palaging nasa ospital si Precy, mahigpit na guwardiya ang panganay nila ni Senador Jinggoy, hindi makalusot sa kanya sina Jolo at Julian sa pag-alis sa gabi.

Harinawang maging maayos na ang kalagayan ng mommy ni Precy dahil napakahirap ng kanyang sitwasyon. Nakapiit ang kanyang mister at nasa ICU naman ang kanyang ina, kailangan niyang hatiin ang kanyang katawan para wala siyang mapabayaan, isang matibay na babae lang ang makapapasan ng ganu’ng mga problema nang sabay.

Kunsabagay, sa dami na ng pinagdaanan ng kanilang pamilya ay hindi na bago ang mga ganitong paghamon para kay Precy Ejercito, ang malaking pagkakaiba lang sa sitwasyon ay buhay ng kanyang ina ang nakataya ngayon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

KANYANG

LANG

MGA

NGAYON

PRECY

PRECY EJERCITO

SENADOR JINGGOY

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with