^

PSN Showbiz

Aktres malaki ang problema sa pambayad sa nirerentahang bahay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay miserable pa rin  ang takbo ng karera ng aktres na ito dahil hindi niya malaman kung saan niya kukunin ang kanyang pag-araw araw na gastusin para sa renta ng kanyang apartment/condo, utilities, pagmi-main­tain ng kanyang sa­­sakyan, at ibang mga pa­nga­ngailangan dahil wala siyang regular na pinagkakakitaan ngayon.

Magmula nang ma-depress ang aktres sa kawalan ng trabaho ay pati katawan nito ay kanya na ring pinabayaan.

Kung hindi kikilos at tutulungan ng aktres ang kanyang sarili ay lalo siyang malulugmok sa kanyang kinalalagyan. Wala kasi ibang tutulong sa kan­ya kundi ang kanyang sarili.

Gary at Angeli iisang anak na lang ang kasama

Dalawa na sa tatlong anak ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano ang may asawa matapos ikasal ang kanilang ikalawa at gitnang anak na si Gab Valenciano sa fiancée nito na si Tricia Centenera last Friday afternoon sa Tagaytay Highlands. Naunang ikinasal in 2013 ang panganay nilang anak na si Paolo Valenciano sa misis nitong si Sam Godinez.

Ang pangatlo at bunso nilang anak na si Kiana ang kasama ngayon ng mag-asawa.

Any moment ay magkaka-apo na ang mag-asawa.

Pauleen naghihintay lang sa desisyon ni Vic

Kahit open sa publiko ang relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna, masikreto pa rin ang dala­wa (laluna na si Vic) pagdating sa kanilang mga personal na plano sa hinaharap.

Matagal-tagal na rin naman ang relasyon ng da­lawa pero hanggang ngayon ay wala pa ring kongkretong plano ang dalawa kung mauuwi ba ito sa kasalan.

Mukhang naghihintay lamang si Pauleen kung ano ang magiging desisyon ni Vic. Hanggang nga­yon kasi ay tila mailap pa rin kay Vic ang salitang ka­sal matapos ma-annul ang kasal nito sa dating asawang si Dina Bonnevie.

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

DINA BONNEVIE

GAB VALENCIANO

GARY VALENCIANO

HANGGANG

PAOLO VALENCIANO

PAULEEN

PAULEEN LUNA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with