^

PSN Showbiz

Kinasasangkutan nina Amalia at Melissa, hindi na dapat patulan!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na ‘wag nang patulan ang away ng pamilya Marti­nez at Muhlach. Ganundin ang kinaiinisan nang away nina Melissa Mendez at isang negos­yante. Humingi na ng apology ang aktres at nakapagsampa na ng demanda niya laban sa kanya ang nakaaway niya, kaya hintayin n’yo na lang ang resulta ng demandahan at huwag nang mag-linger pa sa isyu.

Ganundin ang away nina Amalia at ng apo niya, dahil it really leaves a bad taste in the mouth. Biruin mo, maglola, nag-aaway! Ano ba naman sila? I’m sure lungkot na lungkot si Liezl sa kabilang buhay. Tsk. Tsk. Tsk.

Jennylyn ‘di pa sigurado kay Willie Revillame

Hangga’t hindi pa talaga nakakapirma ng kontrata si AiAi delas Alas sa GMA, ma­ra­mi pa ang maaring magbago. Baka siya at hindi na si Jennylyn Mercado ang ma­ging co-host ni Willie Revillame sa bagong prog­rama nito sa network. Aba, eh bongga kung matutuloy ito. Alam naman ng lahat ang kalibre ni AiAi sa pagpapatawa kaya makakaasa ng isang masayang prog­rama ang lahat.

Wala pang malinaw na pag-amin mula kay AiAi tungkol sa agenda niya sa GMA kaya kesa maghula-hula tayo, hintayin na lang natin ang magiging pinal niyang desis­yon o ng kanyang talent agency na Backroom.

Sinag Maynila kulang sa budget?!

Hindi naman siguro tangkang ilihim ang Sinag Maynila, isang film festival na inorganisa ng Solar Entertainment sa pamumuno ni G. Wilson Tieng at Director Brillante Mendoza. Kasisimula pa lamang nito at nangangapa pa ang mga organizer kaya parang patak ng ulan ang buhos ng publisidad nito.

Next time baka impoved na ang PR ng Sinag Maynila at nakasaad na kung saang sinehan palabas ang mga movies na kalahok para mas maging aware ang mga manonood.

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

GANUNDIN

JENNYLYN MERCADO

MELISSA MENDEZ

SHY

SINAG MAYNILA

SOLAR ENTERTAINMENT

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with