^

PSN Showbiz

Malalaman kung tinupad ang pangakong ‘di na magpapalit ng apelyido: Mag-amang Dennis at Julia maghaharap sa korte

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang isa pala sa wish ni Sef Cadayona ay maging game show host. Si Vic Sotto ang inspiras­yon niya rito na nakasama niya sa Vampire ang Daddy Ko.

“Gusto ko sana ‘yung parang nagpapatawa tapos at the same time nagi-give back sa tao like Bossing,” pahayag ni Sef.

Malaking impluwensya nga si Vic Sotto sa kanya na isa sa tinitingala niya sa industriyang ito.

Sa ngayon ay abala muna si Sef sa Bubble Gang at sa bagong infotainment program niya na Sabado-badoo kasama si Betong.

PAK: Totoo kaya ang napabalitang hindi na tutuloy si Regine Velasquez sa drama series na Let the Love Begin?

May sinabi sa aming dahilan kung bakit ayaw na niyang gawin, pero mas mabu­ting manggaling ito sa kanya. Ang narinig namin hindi pa ganun ka-okay si Regine sa role na ibibigay sa kanya.

Hindi pa rin kumpirmado kung kasali pa rin si AiAi delas Alas, kaya magkakaalaman din sa story conference na nakatakda na sa susunod na linggo.

Sa ngayon ay mas happy pa muna si Regine sa kanyang Sarap Diva tuwing Sabado ng umaga.

BOOM: Ngayong araw kaya ay matutuloy na ang paghaharap nina Dennis Padilla at Julia Barretto?

Ngayong araw ang schedule ng hearing sa Petition to Change Name na isinampa ni Julia kasama ang ina niyang si Marjorie Barretto.

Pumayag ang korte na dinggin ang Motion to Intervene na isinumite ni Dennis, at ngayon sana ang simula nang pagdinig.

Pero nagkaayos na ang mag-ama at binanggit ni Julia na hindi na raw niya kailangang palitan pa ang pangalan niya, kaya posibleng ayusin na lang nila ito sa korte.

Pero so far, wala pang pag-uusap sa dalawang kampo, kaya hindi pa nila masasabi kung tuloy ang kaso o mapagkasunduang i-dismiss na lang ito.

vuukle comment

BUBBLE GANG

CHANGE NAME

DADDY KO

DENNIS PADILLA

JULIA

JULIA BARRETTO

LET THE LOVE BEGIN

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with