^

PSN Showbiz

Sen. Bong bilang lang ang oras na nakasama si Jolo sa ICU; Dennis naging in demand dahil sa pakikipagbati ng anak na si Julia

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Binantayan ng media ang paglabas kahapon ni Senator Bong Revilla, Jr. mula sa PNP Custodial Center. Pumunta si Senator Bong sa Asian Hospital and Medical Center dahil dinalaw niya ang kanyang anak na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla na naka-confine sa ICU.

SCENE: Eksaktong 1:38 p.m. nang umalis kahapon si Senator Bong Revilla, Jr. sa Camp Crame dahil mula 3 p.m. hanggang 8 p.m. lamang ang ibinigay sa kanya ng Sandiganbayan para mabisita si Jolo sa Asian Hospital and Medical Center.

SEEN: Tiim-bagang (na tanda ng galit) si Cesar Montano nang makapanayam siya ng mga reporter sa Justice Hall ng Quezon City noong Lunes. Umapela si Cesar sa mga anak na maging truthful at inulit niya na ang mga hinihingi na property ang ugat ng bagong demanda ni Sunshine Cruz laban sa kanya.

SCENE: Early last week nang may mag-tip sa mga reporter tungkol sa hearing ng demanda ni Sunshine Cruz kay Cesar Montano. Nagkamali ang nagbigay ng tip dahil nabigyan niya si Cesar ng pagkakataon na magsalita at maipagtanggol ang sarili.

SCENE: Dahil sa presscon ng Bridges of Love, naungkat uli ang isyu na hindi marunong umarte at walang emosyon ang mga mata ni Xian Lim kaya ipinalit sa kanya si Paulo Avelino.

SEEN: Perfect choice si Paulo Avelino bilang replacement ni Xian Lim dahil nagmumura ang husay at malakas ang kanyang presence sa mga eksena niya sa Bridges of Love.

SCENE: In demand si Dennis Padilla sa mga showbiz oriented talk show dahil sa reconciliation nila ng anak na si Julia Barretto na inaakusahan na nakipagkasundo sa ama, alang-alang sa kanyang 18th birthday at debut special na mapapanood sa ABS-CBN.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BRIDGES OF LOVE

CAMP CRAME

CAVITE VICE-GOVERNOR JOLO REVILLA

CESAR MONTANO

PAULO AVELINO

SENATOR BONG REVILLA

SUNSHINE CRUZ

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with