^

PSN Showbiz

Aktres walang kamalay-malay, asawa nilalandi ng katrabaho!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Congratulations kay Aiko Melendez sa pagkapanalo niya bilang Best Actress in a  Foreign Language sa London International Filmmaker Festival of World Cinema.

Napanalunan ito ni Aiko sa pelikulang Asintado na dinirek ni Louie Ignacio.

Si Direk Louie at ang producer nilang si Ferdie Lapuz ang tumanggap ng award dahil wala naman doon sa London ang aktres.

Nasa Instagram account ni Aiko ang kanyang pagbahagi ng naturang parangal sa kanyang mga anak at sa mga katrabaho niya sa Asintado.

PAK: Hindi namin maisip kung paano tanggapin ni aktres ang katotohanang hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglalandi ng babaeng nakaka­trabaho ng kanyang asawa.

Ang sabi ng ilang taong malapit sa kanila, naayos na raw ito at okay na. Pero may mga litratong naglilitawan bilang pagpapatunay kung paano landiin ang asawa ni aktres ng babaeng katrabaho nito.

Napakabait pa naman ng mag-asa­wang ito, pero makamandag ang ba­baeng katrabaho ng asawa ni aktres kaya paano kaya niya ma-handle kung sakaling magkabukingan na.

Hindi lang naman ang asawa ni aktres ang nilalandi ng babaeng ito kundi ang iba pang lalaking may sabit. Feeling kaya niya irresistible siya na hindi kayang tanggihan ng mga lalaking inaakit niya?

BOOM: Hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinututukan ang kalagayan ni Jam Sebastian na naka-life support na lamang ito.

Ang daming mga celebrities ang nagpu-post sa kanilang social media account na humihingi ng dasal para kay Jam.

Ang latest ay ipinost pa ng kapatid ni Jam na si Yexel Sebastian na nakapagsulat pa ito ng “I Love You All”.

Kahit ang kasintahan nitong si Mich Liggayu ay nag-a-update rin sa kalagayan ni Jam.

May ilang events na pina-cancel muna ni Mich dahil gusto niyang samahan si Jam na patutuloy pa ring nakikipaglaban sa kanyang buhay.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ASINTADO

BEST ACTRESS

FERDIE LAPUZ

FOREIGN LANGUAGE

I LOVE YOU ALL

JAM SEBASTIAN

LONDON INTERNATIONAL FILMMAKER FESTIVAL OF WORLD CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with