^

PSN Showbiz

Pamilyado pa naman actor-politician nagbababad sa shoot ng beauty queen na natalo sa international competition

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-react ang ilang taong malapit kina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria sa lumabas na kuwentong may pinagdadaanan daw ang aktres na sinabi diuma­no ni Jolo.

Kahit si Jolo ay nagulat din sa lumabas na isyu. Baka na-misquote lang daw ang Vice Governor ng Cavite.

Walang isyu at walang problema sa relasyon nina Jolo at Jodi. Ang Kapamilya aktres naman ay abala sa taping ng Pangako sa ‘Yo at wala naman siyang problema o pinagdadaanan.

Sa libreng araw ni Jodi, kasama niya si Jolo na nagpi-prayer worship, dahil active sila sa kanilang Church sa Victory sa Alabang.

PAK: Ang buong akala ng karamihan masaya ang pagsasama ng actor/politician at ang dating aktres, iyun pala palabas lang iyun para hindi makaapekto sa career ni actor/politician.

Kamakailan lang ay marami ang nakakita na nakababad si actor/politician sa shoot ng isang beauty queen na lumaban sa isang international beauty pageant, pero hindi nagwagi.

Ang sabi ng ilang taong malapit kay beauty queen, nanliligaw pa lang daw itong si actor/politician. Pero may ilan ding nagsasabing sila na.

Ma-PR at mabait naman si actor/politician kaya nag-enjoy ang mga staff at ilang katrabaho doon sa shoot ni beauty queen, dahil nalilibre sila sa pagkain.

Sabi nila, alam naman daw ito ng asawa ni actor/politician dahil may kanya-kanya na silang buhay, pero nagsasama pa rin sila sa tingin ng mga tao.

BOOM: Ayon sa ilang taong nakakausap namin na malapit kay Dennis Padilla, dadalo raw ang aktor sa debut ni Julia Barretto sa March 10.

Si Julia ang personal na nagbigay ng imbitasyon sa kanyang ama, at nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap.

May nagpapayo raw kay Julia na imbitahin lahat na miyembro ng pamilya, kahit ang nakaalitan ng kanyang inang si Marjorie Barretto.

Pati raw sina Claudine, ang lola’t lolo niya, sina Gretchen, ay imbitahin ni Julia.

Sana nga dumalo silang lahat dahil baka sa ganung pagkakataon ay muling mabuo ang nagkakawatak-watak nilang pamilya.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JODI

JODI STA

JOLO

JOLO REVILLA

JULIA

JULIA BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

SI JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with