^

PSN Showbiz

Pati mga ka-subdivision imbyerna magkapatid na artista salat na salat sa pakikisama

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya hindi kagandahan ang mga komentong naririnig mula sa mga ka-subdivision ng mga babaeng personalidad na parehong inaalagaan ngayon ng isang malaking network?

A. Wala ba silang pakisama sa kanilang mga ka-subdivision? B. Umaasta ba silang parang reyna sa kanilang komunidad? C. Nagpapalutang ba sila ng kayabangan sa kanilang mga kapitbahay? D. All of the above?

? Ilang katrabaho namin ang napadpad sa kanilang subdivision para dumalo sa isang pagtitipon. Walang kaalam-alam ang mga ito na du’n pala nakatira ang mga babaeng personalidad na kinaiinisan ng kanilang mga kapitbahay.

?Kuwento ng isang source, “Nagkaroon ng liga dito sa subdivision namin, inimbita silang dalawa, pero hindi sila dumating. Pareho raw silang busy, wala raw silang time.”

?Naisip tuloy ng mga tagaroon na kaya hindi sila pumayag ay dahil walang talent fee ang pagpunta nila sa paliga ng kanilang subdivision.

? Kuwento naman ng isa pang impormante, “Wala silang pakisama, never mo silang makikita dito, mga sasakyan lang nila ang nakikitang dumadaan sa subdivision. Wala silang PR.”

? Totoo namang parehong abalang-abala ngayon ang dalawang female personalities, punumpuno ang kanilang schedule, nagho-host din sila ng mga live shows. Pagdating siguro nila sa bahay ay nagpapahinga na agad sila dahil kinabukasan ay may trabaho na namang naghihintay sa kanila.

? Sarkastikong komento naman ng isang source, “Minsan lang silang nakita dito, kailangan nilang mag-ikot nu’n, may hinihingi kasi silang boto.”

? Nagkakaroon lang ng kulay ng katotohanan ang mga kuwento ng kanilang mga ka-subdivision dahil kahit sa mundong ginagalawan ng dalawang babaeng personalidad ay maraming nagsasabing wala silang PR.

?Tunog-lalaki ang mga pangalan ng dalawang babaeng personalidad. Ubos na ubos!

Magkakapatid na Barretto watak-watak na

Ano kaya ang malalim na dahilan ng away na namamagitan ngayon kina Gretchen at Marjorie Barretto? Sanggang-dikit ang magkapatid sa laban nila kontra sa kanilang bunso na si Claudine Barretto pero bakit ang kalat na kalat na balita ngayon ay sila naman ang magkaaway?

? Bago sila naghawak-kamay laban kay Claudine ay nagkaroon muna nang napakatinding away sina Gretchen at Marjorie. Pinalayas ni Gretchen ang kanyang kapatid sa tinitirhan nitong bahay sa Loyola Grand Villas, nagsasama pa nu’n sina Marjorie at Dennis Padilla, kay Gretchen ang bahay na ‘yun na Japanese style.

?Napilitang mag-alsa-balutan ang pamilya, nagrenta sila ng bahay, para lang matapos na raw ang panunumbat sa kanila ni Gretchen.

? Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, nang mag-away sina Gretchen at Claudine ay naging kakampi niya na si Marjorie, kung ano ang dahilan ay sila lang ang nakakaalam.

Tama ang obserbasyon ng mga kaibigan namin tungkol sa magkakapatid. Magaganda sila, pero mistula silang mga palengkera kapag nagkakagalit, ibinubuyangyang nila sa publiko ang mga kuwento ng kanilang buhay.

Tanong pa ng isang kaibigan na hindi namin masagot nang diretso dahil hindi naman namin talaga alam ang mga detalye, “Were their parents too busy during their formative years, kaya nagkaganyan sila? Hindi ba sila nasubaybayan ng mga magulang nila?”

? Dati’y kuyog ang magkakapatid na ito kapag may kalaban ang isa sa kanila. Pero ngayon ay paksiyon-paksiyon na sila, kampi-kampihan, at ang pinakamatindi pa ay kinakalaban din nila pati ang mismong mga magulang nila.

?Minsan tuloy ay tatanungin mo na rin ang iyong sarili, bakit nga ba ganito ang magkakapatid na Barretto, kegaganda pa naman nila.

 

vuukle comment

BARRETTO

CLAUDINE

GRETCHEN

KANILANG

NILA

SILA

SILANG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with