^

PSN Showbiz

Nasarapan daw sa dating ka-loveteam Marvin nabitin sa tikiman nila ni Jolina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa muling pagtatambal nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal para sa teleseryeng Flordeliza ay nagkaroon sila ng love scene. Wala raw nangyaring ilangan sa dalawa habang ginagawa ang nasabing eksena. “Walang ilangan. Sobrang thankful nga ako na kumbaga ‘yung una kong ganung eksena, si Marvin ang ka-partner ko. Kasi sobrang kumportable ako sa kanya. Kampante ako,” nakangiting bungad ni Jolina.

Wala raw naging problema sa asawa ng aktres na si Mark Escueta kung may mga maiinit na eksena man na ginawa sina Marvin at Jolina. “Apektado siya kasi kinikilig din siya. Siguro kaya kampante din si Mark kasi si Direk Wenn (Deramas) ‘yun and si Marvin ‘yun,” giit ni Jolina.

Para naman kay Marvin ay nabitin daw siya sa kanilang ginawa ng aktres nang kunan ang eksena. “Ang sarap ka-love scene ni Jolina kasi kabadong-kabado talaga siya. Meron kaming scene kasi no’ng first time ko, sinabi ko sa kanya na ‘Mahal Kita,’ then I grabbed her and then I kissed her passionately. After the take, hinawakan ko si Jolina, parang feeling ko kulang. Alam mo ‘yung gano’ng feeling as actors? But when we watched it, so beautiful. ‘Yung two characters in that state of their emotions, ‘yung pagmamahal nila sa isa’t isa, ibang klase,” kuwento ni Marvin.

JC biglang idinenay si LJ

Isang malaking karangalan daw para kay JC de Vera ang mapabilang sa isang malaking teleserye na malapit na ring mapanood sa Kapamilya network. “Meron akong primetime soap na ginagawa for March called We’ll Never Say Goodbye kasama sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Jessy Mendiola at Sam Concepcion, malapit na, ‘yun ‘yung abangan nila,” pahayag ni JC.

Simula bukas ay palabas na rin sa mga sinehan ang pelikulang Halik Sa Hangin na pinagbibidahan nila nina Julia Montes at Gerald Anderson.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa raw karelasyon ang binata. Anu-ano nga ba ang mga katangiang hinahanap ni JC sa isang babae? “Physically, nothing specific naman. Same height, not taller than me, basta huwag lang mas malaki sa akin. Pwede ako sa both mestiza or morena. Humble, hindi mapagmalaki, God-fearing, family oriented. Gusto ko ‘yung maayos na tao lang talaga. Malalaman mo naman ‘yun eh,” pagtatapat ng aktor.

Noong isang linggo ay umamin si JC sa telebisyon na si LJ Reyes ang kanyang idini-date ngayon. May isang anak si LJ kay Paulo Avelino at nakilala na rin daw ni JC ang bata. Nakilala na rin ni JC ang pamilya ni LJ.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DAWN ZULUETA

DIREK WENN

GERALD ANDERSON

HALIK SA HANGIN

JESSY MENDIOLA

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JULIA MONTES

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with