^

PSN Showbiz

Tapos ay ibibenta sa iba actress habit ang pangungutang ng mga branded na bag!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang gabi ay nakinig kami sa late night radio program sa DZMM nina Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz kung saan na-curious kami sa blind item ni Papa Ahwel tungkol sa isang actress na mahilig umanong mangutang ng mamahaling branded bags at pagkatapos ay ibibenta umano nito sa iba.

Hindi kami nakatiis kaya nag-text na kami kay Papa Ahwel sa identity ng aktres at medyo nagulat kami dahil kung titingnan ay parang hindi capable ang aktres na gawin ito.

Aktibo pa rin naman sa showbiz ang nasabing actress (sa blind item) na hiwalay na sa kanyang asawa.

Hindi si Kris?! Derek may idini-date nang babae

Derek Ramsay is dating someone again, pero ayaw pa niyang i-reveal ang identity ng bagong babae sa kanyang buhay.

Maganda ang pasok ng bagong taon kay Derek dahil sunud-sunod ang kanyang TV and movie project at maging mga product endorsement matapos manalo ng best actor.

Matutuloy na rin sa wakas ang unang tambalan nila ng kaibigang si Kris Aquino, na Chemistry under Star Cinema, Regal Films, Kris Aquino Productions, at Quantum Films. May gagawin din siyang indie movie under Skylight Films at may alok din umano ang Viva Films para sa isang Derek-Jennylyn Mercado movie bukod pa sa follow-up project nila ni Jen sa Quantum Films, ang producer ng English Only, Please.

Nag-i-enjoy din si Derek sa kanyang first TV sitcom sa TV5 na Mac & Chiz na pinagtatambalan nila ng komedyanteng si Empoy Marquez kung saan kasama nila sina Bianca King, John “Sweet” Lapus, at iba pa.

vuukle comment

BIANCA KING

DEREK

DEREK RAMSAY

DEREK-JENNYLYN MERCADO

EMPOY MARQUEZ

ENGLISH ONLY

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO PRODUCTIONS

PAPA AHWEL

QUANTUM FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with