^

PSN Showbiz

Dahil kinakampihan ng executives TV personality grabeng mag-power trip, parang may-ari ng network kung makaasta!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pabulong  na pinag-uusapan sa isang malaking network ang napakatinding pagpapakita at pagpaparamdam ng pagpa-power trip ng isang pamosong TV personality.

Siya ang palaging paksa ng mga staff ng iba’t ibang shows ng nasabing network, maraming umaayaw na makipagtrabaho sa kanya, kung kaya lang mabuhay ng mga ito nang maayos ay hindi nila tatanggapin ang programang pinagbibidahan ng TV personality.

Dusa ang inaabot ng executive producer ng programa, ito ang naiipit, samantalang ginagawa lang naman nito ang lahat para maging maayos ang takbo ng kanilang show.

Siya ang banderada ng show, pero hindi siya dumarating sa oras, nakapag-blocking na ang kanyang mga kasamahan pero mahimbing pa siyang natutulog.

Wala siyang body clock, wala siyang pakialam sa kanyang mga katrabaho, alam niya naman na siya ang bida ng programa kaya kailangan siyang hintayin para makapagsimula ang show.

Kapag naiinis siya dahil may mga nagpa-follow-up kung nasaan na siya ay nagpapatay siya ng cellphone, kapag nakabukas naman ang kanyang telepono ay hindi rin siya sumasagot, ginagawa niyang laro ang nerbiyos na inaabot ng staff.

Mabilis niyang nasasabi na kailangang palitan ang kanyang EP. Ang dahilan, naiinis daw siya, ayaw raw niyang katrabaho ang taong palaging nangngangarag sa kanya.

Mas humahaba ang sungay ng TV persona­lity dahil kinakampihan siya ng mga ehekutibo. Sa halip na siya ang paalalahanan dahil wala siyang pagbibigay-halaga sa kanyang trabaho ay ang EP pa ang nadidiin, ito pa ang namememohan, nasaan nga naman ang kanilang proteksiyon sa ugali ng TV personality na nagpa-power trip?

Bigla na lang siyang nawawala nang isang linggo, ni ha ni ho ay wala siyang pasintabi, kung saan siya nandu’n ay tanging siya lang at ang Diyos ang nakakaalam. Babalik lang siya kapag gusto na niya, walang paliwanag ‘yun sa kanyang staff, basta wala.

Komento ng isang tagaloob mismo ng network, “Hindi siya ang inaasahan naming magkakaganyan. May isang female TV host na mas may karapatang mag-power trip, pero hindi niya ‘yun ginagawa!

“May disiplina siya sa oras, professional, hindi katulad ng baklang ‘yun na akala mo siya ang may-ari ng istasyon kung makaasta! Hindi maganda ‘yun!” pagtatapos ng isang impormante.

Ubos na ubos!

Ayaw naman sabihin kung sino’ng nanamantala sa kanya Kat Alano gusto lang ng atensiyon?!

Mahirap tantiyahin kung ano ang gustong palabasin ng dating TV host na si Kat Alano sa kanyang pag-iingay. Naghahanap ba siya ng hustisya, nakikisawsaw lang ba siya sa napapanahong usapin, nagpapapansin lang ba siya dahil parang nakalimutan na siya ng kasaysayan ng lokal na aliwan?

Na-rape din daw siya sampung taon na ang nakararaan, isang kilalang lala­king personalidad daw ang humalay sa kanya, pero ayaw niya namang idetalye ang naganap at ang pinakanakaiinis pa ay ayaw niya namang pangalanan ang kanyang rapist daw!

Kinalampag niya pati ang tagapamuno ng DOJ, kailangan daw gawin ng ahensiya nang mabilisan ang pagpaparusa sa mga rapist, pero wala naman siyang pinangalanang male personality na nanghalay raw sa kanya?

Sa pagbibigay ng blind item ng mga manunulat, kahit paano’y nagbibigay sila ng mga clue tungkol sa pagkakakilanlan ng mismong subject ng blind item, kakaiba si Kat Alano dahil pagkababae na pala niya ang ninakaw ng sinasabi niyang male personality pero ikinakanlong pa rin niya ang pangalan ng kanyang rapist.

Kahit sa piskalya ay hindi papatulan ang ihahain niyang asunto kundi niya papangalanan ang kanyang rapist, gagawin pa niyang manghuhula ang prosecutor, sa basurahan lalanding ang kanyang reklamo kapag ganu’n.

Pangalanan na kasi para magkaalaman na kung sino ang kilalang male personality na nanghalay raw sa kanya sampung taon na ang nakararaan.

vuukle comment

ISANG

KANYANG

KAT ALANO

LANG

NIYA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with