^

PSN Showbiz

Buti hindi inatake sina Sen. Bong at Sen. Jinggoy... Sawa nahuling gumagala sa Camp Crame!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natakot naman ako sa balita na isang sawa na may haba na 5 hanggang 8 feet ang nakita at nahuli kahapon sa loob ng Camp Crame.

Siyempre, umiral ang pagiging OA ko nang marinig ko ang news. Paano kung nakapasok sa loob ng PNP Custodial Center ang sawa at malagay sa peligro ang kalagayan nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada?

Anyway, dinala na ang sawa sa DENR- Parks and Wildlife Center pero hindi dapat maging komportable ang PNP. Baka may mga kamag-anak ang sawa kaya dapat na maging vigilant sila. Mahirap nang malusutan pa sila ng ibang mga “sawa” na posibleng nakakalat sa loob ng Camp Crame.

Sen. Enrile pinayagang manood ng Hari ng Tondo

Napanood na ni Senator Juan Ponce Enrile ang indie movie na Hari ng Tondo.

Pinayagan si Senator Enrile na panoorin ang Hari ng Tondo sa detention room niya sa PNP General Hospital sa Camp Crame noong Pasko bilang pagbibigay sa kahilingan ng kanyang mga kamag-anak.

Pamangkin ni Senator Enrile ang direktor ng Hari ng Tondo na si Carlitos Siguion-Reyna at mga apo niya ang mga starring sa pelikula, sina Rafa Siguion-Reyna at Cris Villonco.

Resulta ng mga box-office sa MMFF kakalkalin ng Startalk

Live na live nga­yong hapon ang Startalk at ang mga resulta sa box-office ng mga official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang report ng aming show.

Ipakikita rin sa Startalk ang ilang bahagi ng Parade of Stars sa Roxas B­oulevard noong Martes, December 23.

Inabangan ko sa TV ang live telecast ng Parade of Stars pero wala akong napanood. Hindi gaya noong dati na live na napapanood sa TV ang mga kaganapan sa parada na nagdulot ng trapik sa maraming bahagi ng Metro Manila.

Alex Jazz napanood ang ‘lambingan’ ng Mommy Jennylyn niya kay Derek

Isinama ni Jennylyn Mercado sa panonood ng English Only, Please noong Pasko ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Bale, dalawang beses nang napapanood ni Jennylyn ang MMFF movie nila ni Derek Ramsay dahil umapir siya sa special screening ng English Only, Please noong nakaraang Sabado sa Director’s Club ng SM Megamall.

Allowed ang anak ni Jennylyn na panoorin ang English Only, Please dahil Rated PG ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Alonzo MagBAba-bye na kay Ryzza Mae

Regular na napapanood si Alonzo Muhlach sa The Ryzza Mae Show dahil ipinu-promote nila ni Ryzza Mae Dizon ang My Big Bossing.

Bilang na ang araw ng guesting ni Alonzo sa The Ryzza Mae Show dahil magsisimula na ang taping niya para sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Magiging mainstay na rin ng Going Bulilit ang anak ni Niño Muhlach kaya magiging hectic na ang kanyang schedule.

Nag-aaral si Alonzo kaya may cut off time ang mga taping niya at shooting noon para sa My Big Bossing at Kubot: The Aswang Chronicles 2.

KC tribute sa lola ang pa-party para sa entertainment press

Darling of the Press si KC Concepcion dahil sa kanyang bonggang Christmas party for the Entertainment Press noong Lunes.

Puring-puri si KC ng mga reporter dahil tinalbugan niya ang mga Christmas party ng mga TV network.

Likas na generous si KC na lalong naging generous dahil sa bilin ng kanyang yumaong lola na si Mrs. Elaine Cuneta.

Hindi nakalimutan ni KC na ikuwento ang bilin ni Mommy Elaine sa Christmas treat para sa entertainment writers na kasa-kasama niya mula nang magsimula ang kanyang showbiz career.

vuukle comment

ALEX JAZZ

ALONZO

CAMP CRAME

ENGLISH ONLY

HARI

MY BIG BOSSING

PARADE OF STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with