^

PSN Showbiz

Solenn nilayasan ng ka-live in matapos ang proposal!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Matunog na si Allen Dizon ang magwawaging Best Actor sa New Wave Section ng Metro Manila Film Festival (MMFF) mula sa pelikula niyang Magkakabaung.

Ayaw naman daw umasa na ni Allen, pero malaking karangalan daw sana sa kanya kung sa kanya ito ibibigay dahil manggagaling ang naturang award sa mga kababayan niya.

Nakakuha si Allen ng Best Actor award mula sa dalawang international filmfest, at malaking bagay daw kung dito naman sa ating bansa ay mabigyan siya ng ganu’ng parangal.

Patuloy pa ring napapanood ang Magkakabaung sa mga sinehan hanggang sa pagbubukas ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.

PAK: Parehong virgin pa raw sa halikan ang dalawang bida ng Once Upon a Kiss na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Kaya pag-uusapan pa raw ng parents nila at ng GMA Artist Center kung puwede nang magkaroon ng kissing scene ang dalawa sa bago nilang drama series.

Hindi naman daw nagmamadali si Miguel na makahalikan si Bianca. Mas ini-enjoy daw nila ang bonding nilang dalawa dahil bukod sa taping ay magkasama rin pala silang lumalabas. Pareho pala silang mahilig sa extreme sports.           

Nagawa na raw nilang mag-bungee jumping, scuba diving, at ilan pa, pero ang type na type daw nilang gawin ay ang mag-skydiving.

Nagsisimula na pala silang mag-training ng skydiving dahil gusto raw nilang tumalon na magkasama silang dalawa.

May basbas daw ‘yan ng magulang nila dahil iyun din pala ang hilig nila.

“Ang daddy ko po mountaineer, kaya okay lang sa kanila ang mga ganung adventure,” sabi ni Miguel.

“Hindi lang parents ko, my lola and my family po, lahat po kami mahilig sa extreme adventure. Namana ko na rin po siguro,” sabi naman ni Bianca.

BOOM: Aminado si Solenn Heussaff na nagulat daw talaga siya nang biglang nag-propose sa kanya ang Argentine boyfriend niyang si Nico Bolzico.

Pagkatapos daw ng proposal ay umuwi na muna ng Argentina ang boyfriend niya para doon mag-Pasko.

Hindi pa raw nila napapag-usapan kung kailan ang kasal dahil tatlong taon na rin naman daw silang magka-live in kaya parang hindi pa raw nila naiisip kung kailan pa talaga ang kasal.

Sabi ni Solenn, definitely hindi raw next year dahil marami pa raw siyang gustong gawin.

“Feeling ko lazy lang, kasi three years naman kami live in. Ngayon ang iba lang ‘yung singsing. Walang naiba, kasi yung lahat ang bills hati-hati. Very practical lang kami,” pahayag ni Solenn.

Pero gusto naman daw niyang magka-baby, at kung sakaling mabuntis daw siya, gusto naman daw niyang kasal muna bago siya mabuntis.

                                             

vuukle comment

ALLEN DIZON

ARTIST CENTER

BEST ACTOR

BIANCA

DAW

NAMAN

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with