^

PSN Showbiz

Daniel bitbit din ang pamilya sa Japan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Itinanggi ni Daniel Matsunaga na kahit pa-Japan siya ngayong Kapaskuhan ay hindi sila magkasama ni Kris Aquino na dun din ang punta. Magkahiwalay ang lakad nila. Kasama niya ang buong pamilya niya samantalang ang mga anak naman niya ang kasama ni Kris at magkaibang lugar ang destinasyon niya. Bakit ba ayaw nating paniwalaan na friends lang ang dalawa?

Coco hindi kataka-takang mayaman

Pagtatakhan pa ba kung mayaman nga si Coco Martin eh, napakarami niyang proyekto. Tapos napaka-masinop pa niya. Paano siya hindi yayaman? Ang pagtakhan natin ay kung sa 10 taon niyang pag-aartista ay wala siyang naipon o naipagawa man lamang. As it is, meron siyang mansyon, meron siyang sasakyan at nagagawa niyang  kupkupin ang marami niyang mahal sa buhay. Hindi napupunta sa wala ang pinagtrabahuhan niya.

Carmina at BB hindi na nagkaka-imbyernahan?

I’m sure wala kaganapang nangyari sa pagkikita nina Carmi­na Villa­roel at mga anak at BB Gandanghari sa ASAP. Dapat inaasahan na nila ‘yun. Maliit lang ang mundo  ng showbiz at sa ayaw at gusto nila, hindi ma­aring hindi sila magkita. By this time, tanggap na marahil ni Carmina ang katotohanan. Masaya at matagumpay ang buhay may asawa niya, walang dahilan  para siya maging bitter. Ganundin naman ang kapatid ni Robin Padilla. Kung may dapat panggalingan ng pagbabati, kay BB ‘yun pero, hindi sa ganun karaming tao.

vuukle comment

BAKIT

CARMINA

COCO MARTIN

DANIEL MATSUNAGA

KRIS AQUINO

NIYA

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with