^

PSN Showbiz

Dating sexy star na parang may balon ng pera noon, tuyot na tuyot na ngayon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Puro pag-iling ang naging reaksiyon ng isang grupong nakatrabaho sa telebisyon ng isang nagpapaseksing aktres. Dati raw kasi ay parang ginagawa lang na laruan ng babaeng ‘yun ang pera.

Kapag may nagbabayad ng downpayment sa mismong studio para sa kanyang mga shows sa probinsiya ay agad nang maglilitanya ang dating sexy actress, “Pera na naman? Ano ba? Wala na bang pagtigil ang dating ng pera sa akin?”

At kapag naman ibinibigay na ng kanilang field cashier ang allowance niya para sa isinusuot niya sa show ay bigla niyang ihahagis ang pera, “Ayan, pera na naman! Pulutin n’yo, sa inyo na lang ‘yan dahil payat na payat naman ang amount!”

Nu’n ang pangyayaring ganu’n, kabaligtaran na ng kasalukuyang buhay ng dating sexy star, napakaraming nanghihinayang sa mga naipundar niya nu’ng kasagsagan ng kanyang career na tunaw nang lahat ngayon dahil sa kanyang kapabayaan.

“At kayabangan, kamo!” agad na sabi ng source. “Sumobra naman kasi ang ere ng babaeng ‘yun, wala siyang utang na loob, pati ang network at mga taong nakatulong nang malaki sa kanya, kinasuhan niya!

“Ano ngayon ang masasabi niya? Bali na ang pakpak at tuka niya, mayabang pa rin siya? Pero awang-awa sa kanya ang isang production staff habang may kausap siya sa telepono.

“May naiwanan pala siyang one thousand sa CR nu’ng maligo siya, ipinahahanap niya ‘yun sa kaibigan niyang nasa house. ‘Hanapin mo, tandang-tanda ko, inilagay ko pa ‘yun sa tabi ng habonera! Nandu’n lang ‘yun!’

“Nakakaloka ang buhay, ‘yung isang libong pilit niyang ipinahahanap sa friend niya, inihahagis lang niya dati ‘yun dahil sa sobrang kahambugan niya! Pero ngayon, napakahalaga na sa kanya ng ganu’ng halaga, hindi na siya mapakali, wala na kasi siyang pera!” madiin pang kuwento ng aming impormante.

Amoy man ng rosas ay lumilipas din. Ubos!

Nawalan lang ng time Mommy D kating-kating mag-shopping sa Macau

Hindi gaanong nakapaglamyerda sa Macau si Mommy Dionisia Pacquiao. Ibang-iba raw kapag sa Amerika ang laban ng Pambansang Kamao dahil nakapag-iikot pa siya sa pagsa-shopping, pero sa Macau ay madalian ang kanilang pag-uwi.

Pero walang dapat ipag-alala si Mommy D, bibigyan naman siya ng pang-shopping ng kanyang anak na si Pacman, ‘yun ang kanyang balato at talent fee na rin sa ginawa niyang pagmimistulang round girl pagkatapos ng laban kung saan inikot niya ang buong ring habang iwinawagayway ang kanyang hawak na rosaryo.

Nakakaaliw ang dakilang ina ni Congressman Manny Pacquiao, nang tanungin siya ng isang reporter kung bakit hindi siya mukhang sisenta’y singko ay napakabilis ng kanyang sagot, “Dahil sa pagmamahal. Kapag ikaw ay minamahal at nagmamahal, kulay pink ang mundo mo, palagi kang masaya.

“Hindi ka napapagod, hindi ka naiinip sa buhay, positive ang lahat para sa iyo. ‘Yun ang dahilan kung bakit mukha pa akong bumabata ngayon,” seryosong tugon ni PacMom.

Ang tinutukoy niyang nagpapabata sa kanya ay si Michael Yamson na kasama niya ngayon kahit saan. Ito ang tagabitbit ng kanyang branded bag habang nagpapa-picture taking siya pagkatapos ng matagumpay na laban ng kanyang anak.

Marami na kaming nakilalang stage mothers, pero walang kahit sinong kakabog kay Mommy Dionisia, mismong sa stage kasi siya nakikipag-agawan ng eksena sa sikat niyang anak.

Literal siyang stage mom.

vuukle comment

ANO

KANYANG

MACAU

MOMMY D

NIYA

PERO

SIYA

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with