^

PSN Showbiz

Final answer, Matteo planong pakasalan si Sarah sa 2017!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May bagong serye ang nobyo ng Pop Princess, Sarah Gero­ni­mo na si Matteo Guidicelli na comedy-fantasy at magsisimula nang mag-taping sa December 3.

Walang ka-loveteam si Matteo kaya hindi siya nahihirapang ipareha sa ibang leading lady at open siya sa lahat.

Tinanong namin si Matteo kung kelan niya balak mag-asawa at sina­bi nito na in three years time. Ready na kaya by that time si Sa­rah? 

Matteo admits na si Sarah na ang gusto niyang makasama ha­bambuhay.

BIR mainit na naman kay Pacman

Everybody loves a winner. Dahil sa bagong panalo ng Pambansang Kamao, Con­gressman Manny Pacquiao sa kanyang laban sa American boxer na si Chris Algieri na ginanap sa Cotai Arena ng Venetian Hotel sa Macau nung nakaraang Linggo, mabangung-mabango na naman sa buong mundo ang People’s Champ. Muli na namang lumulutang ang posibilidad na matuloy na ang much-awaited na laban sa pagitan nila ni Floyd Mayweather, Jr. na inaasahang mangyari sa isang taon.

Ang GMA ang may exclusive coverage sa free TV ng laban nina Pacman at Algeri pero sa kabila nito ay nakakuha ng exclusive live interview ang ABS-CBN sa pamamagitan ni Dyab Castillejo na ipinalabas sa The Buzz last Sunday.

Since walang tax sa Macau, tiyak na milyu­nes na naman ang kailangang ba­yarang tax ni Pacman sa Pilipinas kahit hindi niya sa Pilipinas nakuha ang kanyang napanalunang pera na abot ng mahigit isang bilyong piso.

Sa kabila ng mga karangalan na ipinasok sa Pilipinas ni Pacman, hindi siya exempted sa pagbabayad ng tax.

Aiko desperadong magpa-sexy, thirty three pounds na ang ipinayat!

Thirty three pounds na ang nawala sa timbang ni Aiko Melendez and she’s still working to lose more pounds.

Determinado talaga ang ex-wife ni Jomari Yllana na magbawas ng timbang.  Marami ang nakapansin kay  Aiko nang ito’y dumalo sa story conference-cum pictorial ng bago niyang prog­rama sa ABS-CBN.

Isa si Aiko sa nagtataglay ng napakagandang mukha sa showbiz.

Jewel hindi alam kung ano’ng plano sa pagpapakasal

Inamin sa amin ni Jewel Mische na hindi pa siya sigurado kung sa Amerika na siya magbi-base with her American husband-to-be na si Alister Kur­zer kung saan naroon ang magandang trabaho nito bilang I.T. Engineer.

Sa ngayon, hindi pa sigurado si Jewel kung tulu­yan na niyang tatalikuran ang showbiz kapag siya’y nag-asawa na. Supportive naman umano ang kanyang mapapangasawa sa kanyang showbiz career pero ang magiging problema nga lamang ay ang distance sakaling ipagpatuloy pa rin niya ang kanyang trabaho rito sa Pilipinas.

“Nothing is final,” aniya.

Sina Jewel at Alister ay nagkakilala sa isang Chris­tian church in Metro Manila kung saan sila pa­reho nag-attend. At that time ay nagbabakasyon lamang sa Pilipinas ang Amerikanong si Alister.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ALISTER KUR

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

MATTEO

PACMAN

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with